Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Sunday, August 2, 2009

Ang Dilaw ni Tita Cory by Nina Terol

Natisod ko sa blog ni John Paul Manahan ang tulang ito na isinulat ng isang kaibigan na si Nina Terol. Narito po ang kanyang tulang, "Ang Dilaw ni Tita Cory":

Musmos pa lang ako
Noong napansin ko
Ang mga kulay dilaw
Na laso at banderita
Na akala ko noo’y
Simbolo ng
Isang malaking piyesta
Sa kalye.

Natuwa ako no’n
Dahil walang pasok.

Nang kalaunan
Naintindihan ko
Na hindi pala nagpa-party
Ang mga tao
Sa kalye.
Inilalabas nila
Ang kanilang
Galit
Poot
At hinagpis,
At ang kulay na dilaw
Ay naging simbolo
Ng ating
LABAN
Para sa
Demokrasya.

Lalo kong nagustuhan
Ang dilaw.

Matingkad
Maliwanag
Nagbibigay-sigla.

Ngayong ako’y
Di na musmos
At nakakaintindi na
Nakita ko
Na ang dilaw
Ni Tita Cory
Ay di lamang
Isang kulay
Na sinusuot,
Di lamang
Isang simbolo
Na ibinabandera
Di lamang
Isang watawat
Na iwinawagayway.

Ito’y ang dilaw
Na nagbibigay ilaw
Sa gitna ng kadiliman
Ang dilaw
Na nagbibigay pag-asa
Sa gitna ng pagkalugmok
Ang dilaw
Na nagsasabing,
‘Pilipino, kaya mong
Bumangon
At ipaglaban
Ang buhay mo.’

Para sa iyo,
Tita Cory,
Na nagsilbing
Ilaw ng Inang Bayan,
Ang iyong dilaw
Ay di kailanman
Kukupas
Di kailanman
Madudungisan,
Mananatiling
Laging nakatatak
Sa aming isipan.

Para sa iyo,
Tita Cory,
At para sa
Ating Inang Bayan,
Ipagpapatuloy naming
Mga kabataan
Ang iyong
Laban
Para sa kalayaan,
Ang iyong
Laban
Para sa katiwasayan,
Ang iyong
Laban

Na laban rin
Ng sangkatauhan.

~ NiƱa Terol | 1 Aug 2009
Para kay Tita Cory





Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: