Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, August 19, 2009

Ang Pagkain ni Gloria, Ano ba ang Tunay na Isyu?

Ano ba ang tunay na isyu sa $20,000 at $15,000 na pagkain ni Gloria Macapagal Arroyo at ng kanyang mga kasamahan noong sila ay pumunta ng Estados Unidos? Ito ba ay isyu ng kanilang pagiging marangya o isyu ng pagpapakita na walang tiwala ang tao sa kanya?

Para sa akin ito ay isyu na walang tiwala ang tao sa ating Pangulo. Palagay ba ninyo kung sumusuporta ang mamayan sa kanya ay tatanungin pa nila at pag aksayaan ng panahon ang pagkain ng kanilang pangulo at ng mga kasamahan nito? Hindi. Ganyan tayo kapag inis at asar sa isang tao ultimo kulay ng brief niya at sabong pampaligo ay papansinin.

Kalabisan ba ang ginastos? Oo sa palagay ko ay napasobra ang paggastos dito ng delegasyon ni Pangulong Arroyo. Mas maganda sana kung sa mas murang kainan sila kumain o di kaya higit na mainam pa ay kung sa isang Filipino restaurant. Sa gayon natulungan pa nila ang isang kababayan.


REP.MIKEY ARROYO - MCDONALD'S OR TURO-TURO? NO DIGNITY FOR PRES. ARROYO TO EAT IN TURO-TURO


E paano naman yung sa sinabi ni Mikey Arroyo na wala raw dignidad kung sa McDonalds o turo-turo sila kumain? Sa palagay ko ay mayroong katotohanan ang sinabing ito pero napasobra ng konti. Hindi naman sa walang dignidad kumain sila sa ganitong kainan subalit hindi ba masamang tingnan kung ang delegasyon at Pangulo ng isang bansa ay sa fastfood kakain lalo pa at nasa ibang bansa siya. Isa pa at bukod doon ay security risk din ang mga ganitong lugar maliban na lang kung ipapasara nila.

Dapat sana ay humanap sila ng mas mura pero maganda at suitable din naman. Mga pisyal ito ng ating bansa kaya dapat kahit papaano ay bigyan din naman ng pagpapahalaga. Yun nga lang hindi sila karapat-dapat sa ganitong pagpapahalaga dahil wala tayong tiwala sa kanila. At para sa atin hindi sila karapat-dapat na pag-alayan ng pinaghirapan nating mga buwis.

PBA096887666
Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: