Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, August 11, 2009

Ang Pagyaman ni Arroyo at Ang P1 Milyon na Pagkain

Sabi ng isang nabasa kong kumento sa YouTube puro negatibo na lang daw tayong mga Filipino... sabi ko nga sa akin sarili oo nga naman anu. Inisip ko tuloy dapat pa ba akong magsulat at magkumento sa mga nangayayri na hindi maganda sa ating lipunan? Nang mga nakaraang araw binatikos natin si Willie Revillame, tapos nagkomento tayo at nagsabi ng di pagsang-ayon sa pagtakbo ni Noynoy bilang Pangulo at ngayon eto na naman ako sa pagyaman ni Arroyo at sa kanilang kinain na 1 milyong piso sa Estados Unidos.


Manyaman si Arroyo... Napakabilis Yumaman?

Tama ba na mangbatikos? Palagay ko po tama... pero mas tama kung gigising tayo at mas magiging mapili sa ating pagpili ng mga uupong lider sa ating bansa. Sa palagay ko po hindi lamang tao ang may problema kundi maging ang sistema at kultura natin.
Papalampasin mo ba kung malaman mo na sa loob ng 17 taon ay 2,000% ang iniyaman ng Pangulo mo?

Ayon sa pinakahuling report ng Philippine Center for Investigative Journalism o PCIJ si Arroyo ang pinakamabilis na yumaman sa lahat ng naging Pangulo ng Pilipinas. Mula 2001 hanggang 2008 ay 114% ang inilaki ng kanyang yaman batay na rin sa kanyang sariling Statement of Assets and Liabilities o SAL. Mula P66.8 million noong 2001 ay umabot ito sa P143.54 million noong 2008. Paano nangyari ito?

Narito po ang mga pangyayari... masdan ang graph na nasa ibaba...


Syempre po may mga negosyo din naman ang pamilya ng ating Pangulo at syempre po magaling sya dahil Economist. Ang ginawa nya kahit may economic crisis ay namili siya ng namili ng mga stocks o equities sa mga kompanya. Syempre dahil mababa ang mga ito mas maganda ang mamili ngayon para kapag tumaas ay malaki na ang kita rito. Noong 2006 may P55 million pesos na halaga ng stocks ang ating Pangulo, P62 million noong 2007 at wow P110 million noong 2008.



Saan ba mga stocks ito? Oooppps yan po ang hindi naisaad sa kanyang Statement of Lies este SAL pala.

Manyaman ang ating Pangulo kaya nga kamakailan ay kumain pa ito kasama ang kanyang asawa na si First Gentleman (gentleman nga ba) Mike Arroyo at iba pang gabinete sa isang kainan sa U.S. at P1 Million lang naman ang ginastos nila.

“I am falsely accused, without proof, of using my position for personal profit.”

Tama po si Madam President, kalokohan lamang po ito. We are just hallucinating... negatibo lamang talaga tayo at lahat eh binibigyan ng kwento.... Ows di nga?

Tama ba namang gumastos ka pa ng P1 Million para lamang sa pagkain habang maraming naghihirap at habang nakaburo pa si Cory. Aba eh inuna mo pa pag happy-happy dyan bago magbigay galang kay Tita Cory... Ay oo nga pala di kayo close.

Narito ang kabuuang REPORT NG PCIJ.


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: