Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, August 12, 2009

Ang Recall Election Laban Kay Gov. Ed Panlilio. Isang Alien si Ed Panlilio!

Nandaya si Among Ed Panlilio kaya siya nanalo noong 2007 election. Dinaya ng isang pari na walang makinarya, walang pera at hindi nakaupo sa puwesto at ni hindi suportado ng isang nakaupong Pangulo ang resulta ng eleksyon sa Pampanga. Nakapandaya siya kahit isa lang sa lahat ng Mayor ng Pampanga ang sumusuporta sa kanya. Ganyan po katindi ang kapangyarihan ni Among Ed. Siya po ay isang alien na may kakayahang pasulatin ang mga tao ng kanyang pangalan at utusan sila na baguhin ang bilang ng boto.

Isa siyang alien sapagkat siya ay kakaiba. Si Among Ed ay isang Extra Terrestiral o Alien. Mayroon siyang mga puting pekas na sanhi na hindi siya tagarito sa ating planeta. Hindi siya sanay sa ating mga gawi ng pandaraya at pamumudmod ng pera. Nakakatakot na siya ang nanalo sapagkat sasakupin niya tayo sa kanyang mga maling paniniwala ng kabutihang loob at mabuting paglilingkod. Matakot po tayo at irecall si Among Ed!

Bilang pagtatanggol sa ating planeta kailangan nating ayusin ang mga balota ng sa ganun ay masiguradong talo siya. Narito ang mga larawan ng ilang balota na nasira na ng mga tagapagtanggol ng mamamayan... ito po ang tamang gawin...










PBA09sr6465r

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

7 comments:

Guest said...

Hi Dave, I understand that you are supporting Nick Perlas. But some in the movement are supporting Among Ed for reasons known to all. Sana, we will be reminded that our main kalaban are the trapos and the corrupts. Huwag sana dumating ang panahon na ang mga nagsusulong ng pagbabago ang siya pang magsisiraan sa halalan habang ang mga trapo at corrupt ay namamayagpag. Mabuhay ang mga kandidato na nakikilala dahil sa kanilang mabuting buhay at plataporma at hindi dahil sa sensational na paninira sa iba.

jhecy

David D'Angelo said...

Ate Jhecy,

Kung babasahin nating mabuti ang artikulo ay hindi ito paninira... ito ay isang panunuya sa mga nagsusulong ng recall kay Among Ed... it is an article with a reverse message considering that the laid facts are not true. :)

Thanks po! ... at hindi po ako ganun... ehehehehe

David D'Angelo said...

I might be supporting Nick Perlas but still I do write objectively in this blog. Hindi naman ako bias na blogger... ayaw ko mawala tiwala ng mga mambabasa sa akin :)

Guest said...

nakakalungkot po ang nangyayari sa Pampanga.....pls join us in Prayer po..... patrick

David D'Angelo said...

This is the main reason why I wrote this article. It is a parody of what they are accusing Among Ed Panlilio. The joke is... these people do not want him because he is different from them... hindi siya corrupt.

Gerald said...

Kuya Dave,

Gusto ko lang po sabihin na natutuwa po ako sa mga messages mo, nakaka-inspire. Matagal na po akong di active sa genpeace, 3rd yr. highschool pa lang po kasi ako nung napasama ako dito. God bless!

Gerald

David D'Angelo said...

Maraming salamat at nakaka inspire ako sayo... sana ay mainspire tayong lahat na manindigan at sumama sa pagbabago ng ating bansa.