Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Saturday, August 15, 2009

Ang Tula ni Bhojie "PANAWAGAN NI JUAN"

"PANAWAGAN NI JUAN"
Mula kay: Bhojie H. Mejila (Anak-Teatro, Inc.)


Halina, halina ika’y sumama na
Baguhin ang ating kinagisnang Pulitika
At ang pagbabago, ngayo'y simulan na.
Hindi mamaya na, dapat ngayon na!

Ako’y maninindigan para sa ating Bayan,
Ako’y kikilos para sa payapang Halalan,
Babaguhin ko ang ating kasaysayan,
Upang iwaksi! ang mga katiwalian.

Ang bagong pulitika, ang tunay na sandigan,
Nang sambayang, nagmamahal sa ating Inang Bayan.
Kumilos na tayo mga kababayan!
Sa bagong pulitikang, mayroong pananagutan!

Nasa ating pagkilos, kinabukasan ng Bayan.
Sa ating aktibong pagkamamamayan,
Kumilos na tayo, mga kababayan ko!
Upang ibangon, Dangal nating Pilipino!




Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: