Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Saturday, August 29, 2009

Cool WiFi Bloggers Event sa SM Foodcourt Marilao

Nabibigyan na talaga ng atensyon ang mga bloggers ngayon. Tulad ngayong araw na ito ang inyo pong lingkod ay nandito sa WiFi Bloggers Event sa SM Foodcourt, Marilao, Bulacan. May free wifi testing, food tasting at may pa raffle pa. Nagtitipid pa naman ako ng pagkain h mukhang masasarap ang ipapakain dito... ehehehehe. Nagprovide din sila ng mga laptop na gagamitin ng mga bloggers na walang sariling laptop. Sa connection naman Smart Bro ang nagprovide. Anu kaya mangyayari?

Ang SM Marilao ang kauna-unahang SM sa probinsiya ng Bulacan. Layunin ng event na ito na ipahatid sa lahat ang FREE WIFI sa SM Marilao Foodcourt, at ang pagiging isang luar para sa masarao na kainian at masarap na kitakits ng SM Foodcourt.

Kabilang sa mga magpapatikim ng kanilang napakasarap na pagkain ang Aling Lucing: The Sisig Queen, Baliwag Lechon Manok atbp., Chanssel Pizza, Chicken Company, Inihaw Express, Kusina ni Gracia, Sizzling Plate at Tropical Hut.

Dumating na nga ang oras ng tikiman. Grabe sabi ko sa sarili ko parang last supper pala ito... para kaming mga bibitayin. Sangkatutak na mga pagkain ang nakahain pero aaminin ko na napakasarap talaga ng mga lutuing nasa SM Foodcourt Marilao.

Simula dun sa kape-licious na talaga namang kalasa na ng Starbucks sa sarap. Tapos yung Sisig naman ni Aling Lucing hindi mo na kailangan ng gravy para malasahan ang sarap. Yun Chansel Pizza masarap din pala at pwede nang pamalit sa Pizza Hut.

Kaya nga bilang pasasalamat ay hindi na kami nag aksaya ng pagkakataon at ibinigay na ang aming mga opinyon sa mga produktong ito sa isa pa nating kabarkadang blog, ang The Products Blog.


Also Visit My Other Blogs
Newz Around Us Ordinary People, Ordinary Day

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: