Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Sunday, August 2, 2009

Cory Aquino Brings the Best in Sports During Her Presidency

Kinilala at pinarangalan din ng mga manlalaro ang dating Pangulo Corazon "Cory" Aquino. Ilan sa mga pinakamatitinding narating ng ating bansa sa larangan ng palakasan ay sa panahon ni Pangulong COry Aquino.

Noong 1986 kinilala si Lydia de Vega bilang "Asia's faster woman" noong 10th Asian Games sa Seoul, Korea

Nang sumunod na taon, humakot naman ang Pilipinas ng 59 gintong medalya sa Jakarta South East Asian Games. Ito na ang pinakamaraming medalyang napanalunan ng Pilipinas sa anumang SEA games na kung saan hindi sa Pilipinas ginanap.

"I presented our 1987 athletes to President Cory in Malacanang, and she made exception of the word ‘modest’ that I used," pagala-ala ni Jose Romasanta, pinuno ng Gintong Alay mula 1986 hanggang 1988.

Para kay Cory hindi simple ang manalo ng 59 na medalya at magtapos na pangatlo sa SEA games. Noong 1991 naman ang Pilipinas ang naging host ng SEA games. Sa 1991 SEA games naging pangalawa naman ang Pilipinas sa Indonesia. Ilang medalya lamang ang kinulang para maging kampeon.

Noong 1988, sa Olympics sa Seoul, nanalo naman ang Pilipinas ng medalyang tanso sa boxing sa pamamagitan ni Leopoldo Serrantes. Si Cory rin ang nagpasinaya at lumgada sa batas na nagtatag sa Philippine Sports Commission noong 1990. Si Cecil Hechanova ang naging pinakaunang Chairman ng PSC.

Hindi pa natatapos ang kanyang termino ay nanalo naman noong 1991 ang Pilipinas sa Davis Cup sa kauna-unahang pagkakataon. Pinangunahan ni Felix Barrientos ang koponan ng Pilipinas.

Bago magtapos ang kanyang panunungkulan noong 1992 ideneklara nya ang 1991-2000 bilang "Decade of Sports and Physical Fitness."

Tunay nang hindi lamang sa pulitika siya naging dakila kundi nabigyan din niya ng inspirasyon ang mga tao para magsumikap at higitan ang kanilang kakayanan.

Salamat Cory!



Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: