Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, August 3, 2009

Cory Aquino Day sa January 25

Pinaguusapan na sa Senado at ganundin sa Mababang Kapulungan ng mga miyembro ng Liberal Party sa pangunguna ni Senador Mar Roxas na gawing Cory Aquino Day ang January 25. Si Senador Mar Roxas ang kasalukuyang presidente ng Liberal Party. Sinabi pa ni Senador Mar na si Cory bilang isang pangulo na nagbalik ng demokrasya mula sa diktador na si Ferdinand Marcos ay dapat lamang na bigyan ng ganitong parangal.

Ipinanukala na ng senador ang nasabing Cory Aquino Day sa pamamagitan ng Resolution 28. Sa Mababang Kapunlungan naman pangungunahan nina LP member at Cavite Rep. Joseph Emilio Abaya ang resolusyon ukol dito.

"One of Tita Cory's missions when she became president was to run after ill-gotten wealth of the Marcoses," sinabi ni Roxas. Idinagdag pa niya na naging simbolo si Cory ng paglaban sa katiwalian hanggang sa matapos na ang kanyang panunungkulan. Katunayan kasama rin si Cory sa mga nanawagan noon ng pagbaba sa puwesto ni Erap at di naglaon ni Pangulong Gloria Arroyo.

Mimebro rin ng Liberal party sina Senador Noynoy Aquino at ang yumaong ama nito na si dating Senador Benigno "Ninoy" Aquino Jr.


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: