Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, August 12, 2009

Facebook Campaign for Lean Alejandro

Nakikiisa po ang "Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?" at ang inyong lingkod sa kampanya ng Kabataan Kontra Kahirapan (KKK) para gunitain ang kadakilaan at kabayanihan ni Lean Alejandro. Ang Facebook Campaign para kay Lean Alejandro ay isang pag-ala-ala sa madugong pagpatay sa lider at aktibistang si Lean.

Madali lamang po ang ating gagawin. isave po ninyo ang larawan ni Lean na narito at gawin ninyong profile picture ng inyong facebook. Mag kumento rin po dito at ibahagi sa iba pa.

Si Lean Alejandro ay nag-aral sa Unibersidad ng Pilipinas at naging miyembro ng Youth for Nationalism and Democracy at noong 1983 ay naging pangulo rin siya ng University Student Council (USC). Isa rin siya sa nagtatag ng BAYAN o Bagong Alyansang Makabayan noong 1985 kung saan siya ay naging Secretary General nito.

Pagkatapos ng 1986 EDSA Revolution ay sinubukan ni Lean na pasukin ang mundo ng pulitika sa pamamagitan ng paglaban bilang kogresista laban kay Tessie Aquino-Oreta subalit siya ay nabigo. Kontrobersyal ang halalang ito.

Isang araw pagkatapos ng coup attempt noon nina Honasan, September 19, 1987 ay tinambangan at binaril si Lean Alejandro sanhi para mamatay ito.

Gumawa rin ng isang bersyon ng UP Naming Mahal para sa komemorasyon ng ika-10 anibersaryo ng pagpatay kay Lean Alehandro. Ang UP Naming Mahal ay ang himno ng Unibersidad ng Pilipinas.

Narito po ang video at lyrics ng UP Naming Mahal.


Version by Noel Cabangon, Cooky Chua, Chikoy Pura, Gary Granada and Bayang Barrios


U.P. Naming Mahal ("Lean" version)

LEAN
UP naming mahal
Pamantasan ng bayan
Tinig ng masa
Ang siyang lagi nang pakikinggan

LIDY
Malayong lupain
Di kailangang marating

BOBBY
Dito maglilingkod sa bayan natin

ALL
Dito maglilingkod sa bayan natin

BOBBY
Silangang mapula
Sagisag magpakailanman

LEAN
Ating ipaglaban
Laya ng diwa’t kaisipan

EDWARD
Humayo’t itanghal

NOLI
Giting, tapang ang dangal

EDWARD
Mabuhay ang lingkod ng taongbayan

ALL
Mabuhay ang lingkod ng taongbayan

ACTIVISTS
Silangang mapula
Sagisag magpakailanman
Ating ipaglaban
Laya ng diwa’t kaisipan

ALL
Malayong lupain
Di kailangang marating
Dito maglilingkod sa bayan natin
Dito maglilingkod sa bayan natin.


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

2 comments:

Chat Sicad said...

Maraming Salamat sa iyong pagsuporta at pakikiisa sa aming pag-alala at pagsaludo kay Lean Alejandro. Nawa'y dumami pa ang maging mulat na kabataan.

Huwag tayong mapagod na makibahagi at ibahagi ang ating mga sarili at kaalaman. Pagpalain tayo ng Poong Maykapal.

Chat Sicad - KKK Media Liaison Officer

David D'Angelo said...

Walang anuman! marapat lamang na bigyan ng pugay at pagkilala ang isang katulad ni Lean Alejandro.