Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Saturday, August 8, 2009

Filipino Youth, Your Time Has Come... Lead Well

"Filipino Youth, Your Time Has Come... Lead Well" Ito ang nilalaman ng isang poster na nakita ko sa Facebook ng kaibigan ko na si Cesar Amoranto. Sa ibaba ng poster na ito ay nakatatak ang Magna Kultura Foundation. Maganda ang ibig ipahiwatig at tila napapanahon na nga talaga para kabataan ang maging susi sa pagbabago ng ating lipunan. Pero ano bang pagbabago ang dapat?

Pero bago natin talakayin ang nilalaman dapat sigurong itanong, sino o ano ang Magna Kultura Foundation?

Ayon sa pagsasaliksik sa Google...

Magna Kultura Foundation is an education-for-development NGO building the capacities of civic and sector groups --- through arts and educational activities; empowering people with social entrepreneurial techniques and by providing cultural and livelihood programs.

Magna Kultura Foundation conducts educational and cultural programs in schools and communities Metro-Manila and other regions in the Philippines.


Si Dickie Aguado naman ang tumatayong Executive Director ng Magna Kultura Foundation.

Bakit nila naisipan na gawin ang poster na ito sa panahon ng kamatayan ni Cory Aquino? Sa totoo lang hindi ko po alam at sana ay masagot din nila yan. Ang tangi ko lang alam ay tama ang nilalaman ng poster na ito.

Pero bukod dun hindi naman ibig sabihin na dapat ay kabataan lang ang mamuno at wala ng karapatan ang mga hindi na kabataan. Sa ating bansa ang kabataan ay iyong may edad 15 hanggang 30.

Sila ang mga namumuno sa Sangguniang Kabataan na batay sa mga pag-aaral ay nagiging "breeding ground" na rin ng katiwalian. Sila ang mga dapat nahuhubog upang ang kinabukasan at kasalukuyan ng ating bansa ay maging maganda at maayos... subalit sila rin ang ginagamit ng mga pulitiko para mapaigting ang kanilang pansariling interes.

Sa mga eleksyon madalas silang gamitin at sa huli ay magamit ng hindi nila alam. Tingnan na lang natin ang kas ng YouthVote. Para sa akin napakagandang pagkakataon sana nito para maihain ang agenda at karaingan ng mga kabataan pero sa huli magagamit din sila. Bakit? Simple lamang, sapagkat hindi nila tinanong ang kabataan kung ano ang gusto nila, ano ang problema nila at ano ang kanilang pananaw bagkus ang ginawa nila ay ang kabataan ang magtatanong kung ano sa tingin ng mga kandidato ang dapat para sa kanila.

Paulit-ulit na sinasabing ang kabataan ang pag-asa ng bayan at may ilan namang nagsasabing, "the youth is the future of our nation." Para sa akin hindi ang kabataan ang pag-asa at bukas sapagkat ANG KABATAAN ANG NGAYON!

Dapat na silang manindigan ngayon pa lang. Dapat nilang tahakin ang landas ng pagiging isang mabuting lider at makialam sa mga pangyayari sa ating lipunan ngayon. Sapagkat ang bukas ay ngayon.

The time for the Filipino youth in fact is coming everyday. It is just waiting to be taken and for somebody to rise up from the ranks and truly become someone that will take others with him in making this country truly proud of itself.

Sapagkat ang kwalipikasyon sa pagka Pangulo ay hindi na abot ng edad ng kabataan dapat ang mamumuno ay may malasakit sa kabataan... malasakit hindi lamang sa salita... hindi lamang sa magagandang talumpati kundi maging sa gawa.

Dapat ang susunod na pangulo ay marunong makinig... at hindi lamang basta pakikinig kundi dapat makinig siyang mabuti at bigyang halaga ang opinyon at boses ng kabataan.

Hindi lamang nya dapat sabihin na nagmamalasakit sya at nagpapakitang tao lamang sa eleksyon. Hindi lamang dapat nyang sabihin na galing siya sa mahirap o kaya ay siya ay katropa mo. Hindi lamang dapat sabihin ng isang kandidato na ramdam nya kayo.

Dapat ay bukal sa loob nya ang paglilingkod at handa siyang magsakripisyo para sa ating bayan.

Kabataan panahon na! Ngayon na! Magparehistro at bumoto ng tama sa 2010!


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: