Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, August 5, 2009

Is The Filipino Worth Dying For? Ang Sagot ni Juan

Kaninang umaga nakita ko ang sinulat na artikulo ni Jose C. Camano na "Are We Worth Dying For?". Binasa ko ang artikulo at parang nabitin ako sa mga sinabi niya. Karapat-dapat nga bang mag-alay ng buhay para sa mga Filipino at para sa Pilipinas? Ikaw anu ba sa palagay mo? Dapat bang pag-alayan ka ng buhay?

Matatandaang binanggit noon ni Ninoy Aquino ang katagang, "The Filipino is worth dying for." Naniniwala si Ninoy na marangal ang lahing Filipino. Sila ay dakila. Dahil dakila ang lahing Filipino ay karapat-dapat lamang na mag-alay siya ng buhay para sa kanyang bansa. ito rin ang naging pananaw ni Cory Aquino kaya nga hanggang sa huli sinabi niya na hindi na sya nagdarasal para sa kanyang sarili kundi para sa mamamayang Filipino.

Hindi lamang naman sina Cory at Ninoy ang naniniwalang, "The Filipino is worth dying for," sapagka't ito rin ang nasa puso nina Jose Abad Santos, Andres Bonifacio, Gabriella Silang, Marario Sakay, Jose Rizal at marami pang mga bayani. Namatay sila para sa bayang dakila, ang Pilipinas.

Hindi ko na uungkatin kung ano ang istorya ni Ninoy at kung paano sya basta na lang binaril at sa tinagal-tagal na panahon ay hindi nalaman ang pumatay sa kanya. Nabigyan ba ng hustisya ang kanyang kamatayan? Ang sagot ni Juan... Oo nabigyan ito ng hustisya ng manindigan ang mamamayang Filipino sa EDSA at patalsikin si Marcos. Ito ang tunay na hustisya at higit pa sa pagkakaalam kung sino ang tunay na pumatay sa kanya.


Nagkaisa ang mamayang Filipino, bumuo ng mga bagong pangarap at tumulong sa bagong estado. Subalit hindi pa nagtatagal nagsimula muling makita ang pagkamakasarili. Pitong pagtatangka ng pang-aagaw ng pwesto ang ginawa ng mga dating sundalong sumuporta kay Cory. Bakit? Dahil hindi daw nila gusto ang pamamalakad nito. Tama ba na ganito ang gawing paraan sa halip na tumulong sila? Hindi ko po alam mga kababayan at sila lang ang makakasagot niyan.

May isang pagkakataon na may mga nagwelga sa harap ng Malakanyang na mga magsasaka at sa di malamang dahilan ay biglang nagpaputok ang mga sundalo. Ilang magsasaka ang namatay at nasa 100 ang nasugatan. Sinisi nila sa Cory at sinabihan siyang kontra manggagawa at magsasaka. Siya ba ang bumaril? Iniutos ba niya ito? Maliwanag na hindi ang sagot pero hinusgahan pa rin siya.

Sa EDSA People Power 1 nagsama ang mahirap at mayaman, madre, pari at sundalo. Nagkakaisang pinabagsak ang diktaduryang Marcos... pero teka muna may nawawalang sangkap... ano ang pinagkaisahan naman nilang itayo? Ito ang tila nawala at dito nagkawatak-watak at nagkasarilihan na ng mga gusto. Kanya-kanya na naman tayo.

Sa EDSA Dos nagsalita ang mga middle class at makapangyarihan kaya napatalsik si Erap. Sa EDSA 3 nagsalita ang mga masa at sila ay sinikil ng pamahalaan at inundyukan ng mga gustong makabalik sa pwesto kaya nagkagulo.

Sa nagdaang mga araw simula noong magkasakit si Pangulong Cory hanggang sa kanyang kamatayan noong Ausgust 1 hanggang kanina sa pagdadala sa Manila Cathedral at tiyak hanggang sa paglilibing sa kanya sa Miyerkules babaha ang sangkatutak na tao. Marami ang makikiramay, makikisimpatiya at makikipaglibing... ito siguro ang tinatawag na "bawang" na mentalidad natin. Gusto natin kasama tayo at kasahog sa mga malalaking bagay.

Ang problema sana bukod sa pakikisama sa mga ganitong bagay at pakikiisa ay atin ring maisapuso at higit na maunawaan ang silbi at saysay ng ginawa nina Cory at Ninoy para sa atin at ng napakarami pang mga bayani na nag-alay ng kanilang buhay. Bigyan natin ng hustisya ang kanilang kamatayan... itaguyod natin muli ang isang dakilang lahi.

Isang dakilang lahi na hindi papayag magpabayad tuwing eleksyon.

Isang dakilang lahi na hindi tumitingin sa isang taong maglilingkod sa pamahalaan dahil sikat siya o may pera.

Isang dakilang lahi na "on time" at hindi nagpapahuli.

Isang dakilang lahi na nagmamalasakit sa kapwa.

Isang dakilang lahi na tunay na naniniwala sa Panginoon at ipinapakita ito sa kanyang araw-araw na buhay at hindi sa pamamagitan lamang ng dasal at pagsisimba.

Filipino tayo, marangal at dakilang lahi. Hindi ko sinasabi na angat tayo sa iba pero ang aking panawagan ay angkinin natin ang karakter na ito at huwag tayong mahiyang maging Filipino.

Makialam tayo sa mga nangyayari sa ating bayan. Magsalita tayo kung may anomalya. Huwag nating kunsintihin ang katiwalian at ang lagayan.

Huwag tayong umihi na lang kung saan-saan. Huwag tayong durara o dura ng dura kung saan-saan.

Maging disiplinado tayo at mahalin ang bawat atin bilang isang Filipino.

Is the Filipino worth dying for?

Yes, the Filipino is indeed worth dying for because there is only one Filipino nation that serves as our origin. A Filipino nation that one day will realize that he is more a Maharlika than a Filipino.

A Maharlika than will reclaim his glory and will tell the world that I am not Felipe's slave nor am I a slave to anyone.

Be proud you are a Filipino!

Be thankful lots of heroes have died for you!

But most of all live the legacy that every hero had given us... become a true Filipino.

Mahalin natin ang ating bayan at ang ating kapwa. Panahon na upang ating angkinin ang tunay na kalayaan. Huwag na tayong paloko sa mga mapagsamantala sa ating bayan.

Ito ang mensahe ni Cory at ni Ninoy... ito rin ang mensahe ni Dr. Jose Rizal at ni Gat. Andres Bonifacio.

FILIPINO, YOU ARE WORTH DYING FOR!

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

4 comments:

Roy Cabonegro said...

oo.. tama. and sambayanang ito ay karapatdapat sa ating mga pagalay ng buhay. sa mga di pa nagaalay, ialay na natin, magkaisa, kumilos. wag matakot.

Roy Cabonegro said...

"we should unite. but we should unite on the things that will really make a difference. ang EDSA 1 at 2 ay nawalan ng saysay dahil hindi ito nagdulot ng malawak at malalim na pakikialam at pagsama lambas sa mga mass actions at pagpapalit ng leaders lamang. ang dapat pagsamahan natin ay ang pakikialam natin unang una sa pamamahala ng kanya kanyang komunidad sa barangay. dapat din tayong nagiging bahagi ng pagbubuo ng mga tunay na partido pulitikal na magpapabagsak sa pamumuno ng mga TRAPOs corrupt. SA 2010, ang isang pagasa ng mga NOn-trapo movements and parties na pare parehong maliliit at mahina pa ng nagiisa ay ang pagsasama sama sa pamamagitan ng isang proseso. subukan nyo....pagaralan nyo..makiialam sa PEOPLES PRIMARIES. http://www.facebook.com/l/;www.subsidiaritymovement.net o di kya i search nyo na lang dito sa facebook. ty

Roy Cabonegro said...

"dagdag. ang tanong ngayon ay kung alam nyo ba ang mas epektibong pagkilos. another EDSA na naman ba itong mga karamihang taga NCR na largely middle class na magpapalatin na naman ng leaders sa taas bilang tugon daw sa malalim at malawag na systemic na problema ng sambayanang ito? kung ganyan ang sagot nyo sa dapat gawin, KAYO na lang. Di umuubra yan. Ako may dalawang mungkahi... UNA, mula sa araw na ito, itayo nyo ang buhay nyong makialam sa pamamahala sa kanya kanyang komunidad sa barangay. PANGALAWA, tanggalin sa pamamahala ang lahat ng TRAPO sa lahat ng nibel (community hanggang national). Ito hindi nadadaan sa pagboto lang ng di TRAPO. Puwede lang itong magawa tlaga kung itaya mo ang buhay mong maging bahagi ng mga tunay na political parties. Para sa 2010, may paraan tayo upang masiguro na ang mga maraming maliit at mahihinan pero tunay na mga non trapo political parties ay maaaring mag tsansang manalo sa pamamagitan ng unity sa peoples primaries http://www.facebook.com/l/;www.subsidiaritymovement.net"

Roy Cabonegro said...

"now is not the time to make heroes of persons. now is the time for heroes in all of us, in the collective force of our common aspirations to be moved by the divine inspiration and MOVED for substantive change., Ngayon na!!!!"