Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Friday, August 14, 2009

Just Watched The Last Journey of Ninoy

Swerteng masasabi ang pagkakaimbita sa akin ni Nina Terol para makapunta sa Press Premiere ng The Last Journey of Ninoy. Salamat Nines! Medyo nahirapan akong maghanap kasi first time ko makapunta ng Rockwell pero natagpuan ko naman. Bandang 7:00 p.m. na ako nakarating at sadyang napakadami ng tao. Syempre... wala pong kakilala doon ang inyong lingkod maliban na lang kay Bam Aquino na binati ko at kinausap ng konti ng magkasalubong kami. May mga nakahain ding pagkain pero hindi ko naramdaman ang gutom. Una kong tininingnan ang mga painting sa labas na sumasalamin sa naging buhay ni Ninoy sa loob ng bilangguan.

Ganap na 7:15 p.m. malamang nagsimula ang screening pagkatapos ng introduction ni Rafa Lopa ng Ninoy Aquino Foundation. Simula pa lamang ng palabas alam ko ng kakaiba ang matutunghayan ko.

Ang mag-amang sina Bam Aquino at Paul Aquino ang nagbigay ng buhay sa katauhan at boses ni Ninoy. Si Bam ang nagreenact ng paglalakbay ni Ninoy at ang kanyang ama naman ang nagbigay ng boses at mga "thoughts" ni Ninoy.


Ibinase ng direktor na si Jun Reyes ang kuwento sa huling panayam kay Cory Aquino noong March 2009. Mas naging personal ang kwentong ito sapagka't dalawang boses lamang ang pinanggalingan ng kuwento: Si Ninoy at ang kanyang ispiritwal na pagbabago at si Cory Aquino na nagsilbing saksi sa mga panyayari at nagsilbing lakas din ni Ninoy.

Maganda ang pagkakahain ng dokumentaryo. Bukod sa pagsasalaysay ng huling paglalakbay ni Ninoy mula Boston papuntang Pilipinas, sa pagbabago nya ng pangalan bilang Marcial Bonifacio, sa pagbisita niya sa Sultan ng Johore, hanggang sa nakakapangilabot na kamatayan sa MIA.

Ito ang kauna-unahang paglalahad ng kuwento tungkol kay Ninoy na tumalakay sa personal na aspeto ng kanyang buhay at iniwan ang tradisyunal na pagsasalaysay na ginawa ng nakararami.
Ayaw kong ikuwento ng buong buo ang dokumentaryo sapagkat mas maganda kung mapapanuod ninyo ito. Para sa akin isa itong kuwento na gigising sa kabataan at sa buong Pilipinas. Gigising upang mas maintindihan nila ang pangarap nina Ninoy at Cory.

Sabi nga ni Ninoy, hindi lamang nakasalalay sa isang tao ang kinabukasan ng ating bansa sapagkat ito ay nakasalalay sa ATING LAHAT... TAYONG LAHAT ang magdadala ng kinabukasan ng ating bansa.

Sa August 21 ay ipapalabas na ang Last Journey of Ninoy sa mga piling sinihan. Ito rin ay ipapalabas sa ABS-CBN, TFC at ANC sa August 23 sa ganap na 10:30 p.m.

Congratulations Direk Jun Reyes, Unitel Pictures at kay Bam Aquino sa kanyang acting role.

Hindi ko rin makakalimutan na kahit di ako nakapunta sa burol ni Cory ay nakadaupang palad ko pa mismo ang hipag nito na si Maur Aquino-Lichauco. Wala man ako masyadong nakausap masasabi kong isang malaking karangalan ang maging isa sa mga unang nakapanuod nito.

Abangan po natin at huwag itong palalampasin.


THE LAST JOURNEY OF NINOY - Official Trailer


Hindi pa tapos ang laban nina Ninoy at Cory... IPAGPATULOY NATIN!


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

2 comments:

Xhenoe said...

Inabangan ko talaga to kagabi. ganda ng pagkakagawa. Sana ilabas nila to sa DVD.

David D'Angelo said...

am sure ilalabas nila ito sa DVD... napakaganda talaga. maganda nga kung madadala rin ito sa mga schools eh.