Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Saturday, August 8, 2009

Marami na ang Gustong Mamatay si Pangulong Arroyo? (Filipinos Want Gloria Arroyo Dead?)

Huwag po ninyong mamasamain pero ng makita ko ang mga caption ng pagkakamali at sa halip na si Cory Aquino ang nailagay ay si Pangulong Arroyo ang nakalagay... naisip ko mas gusto ng mga Filipino na buhay si Cory Aquino kaysa kay President Arroyo.

Sa isyu ng Manila Bulletin sa ibaba ay makikitang nakalagay na ang inihahatid na nasa loob ng kabaong ay si Pangulong Arroyo. Mukhang iba ang nasa isip ng nagsulat ng caption at gustong si Arroyo ang malagay sa loob. Hindi lang yan...



Ng kasalukuyang inililibing na si dating Pangulong Aquino ay nagkamali rin ang ABS-CBN at inilagay na ang military honor ay inihahanda na hindi para kay Cory kundi para kay Pangulong Arroyo. Nasa ibaba ang larawan.


Sa isa namang artikulo sa ABS-CBN online ay nalagay naman na si Pangulong Arroyo ang may colon cancer at hindi si Cory. "Filipinos in New York are rallying behind former President Arroyo in prayer as she battles colon cancer," iyan ang nakasaad sa wesite.


Sa poll naman na ginagawa ng WAWAM AFTER HOURS, 92% ang nagsabing hindi sila makikipaglibing kay Pangulong Arroyo at sa mga pamimilian naman kung kanino sila makikipaglibing 3% lang ang pupunta sa libing ni Pangulong Arroyo.

Ganito na ba kaasar ang mga Filipino kay Pangulong Arroyo? Sabagay sa mga survey nga -31% ang approval rating nya... pinakamababa sa lahat ng naging Pangulo ng Pilipinas. Siguro kahit isama pa natin si Pangulong Jose P. Laurel eh mas mababa pa rin siya.




Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: