Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, August 17, 2009

Musikahan sa Lunes: Gumising Ka at Kumilos Filipino

Juan Tamad, iyan ang tawag sa atin. Si Juan Tamad din ang isa sa pinakasikat na karakter sa mga kuwentong bayan pero bakit nga ba Juan Tamad? Hindi daw sanay ang mga Filipino sa mabilis na buhay. Tamad kumbaga, ayaw kumilos, ayaw mahirapan ang karaniwang Pinoy.

Tabi-tabi po... nagsusulat lang po. Pero sa isang usapan noong mga nakaraang araw di ko maiwasang sabihin na napikon talaga ako. Buhat ng bata pa ako pag sinasabing darating din ang magandang buhay sa Pilipinas at pag tinanong mo kung kelan ang sasabihin ay ... "sa tamang panahon." Ha? Kelan yun? Kelan ang tamang panahon? Paano natin malalaman yun? "Hindi pa ngayon!" Eh kailan nga? Ang People Power hindi naman nila sinabi na yun ang panahon kumilos lang sila. Nang maghimagsik sina Andres Bonifacio marami rin ang nagsabing hindi pa panahon pero naging malaya tayo. Nang patalsikin natin ang base militar marami ang nagsabi hindi natin kakayanin pero kinaya naman natin.

Anu nga ba ang tama? Tamad lang ba tayong kumilos at bulag sa katotohanan... ayaw lang ba nating tumindig ng todong todong tayuan? Narito ang dalawang kanta para sa araw na ito... na humahamon sa bawat't isa sa atin. Hindi ako perpekto at hindi ako matalino pero ang alam ko ay KUNG GUGUSTUHIN NATIN AY MABABAGO ANG ATING BANSA! TAYO BA AY MGA BULAG, PIPI AT BINGI? (Basahin ang kabuuan ng ating paggising!)

Unang Kanta: AEGIS Bulag, Pipi, at Bingi
Come join Music Monday and share your songs with us. One simple rule, leave ONLY the actual post link here. You can grab this code at LJL Please note these links are STRICTLY for Music Monday participants only. All others will be deleted without prejudice.

PS: Because of spamming purposes, the linky will be closed on Thursday of each week at midnight, Malaysian Time. Thank you!


Hindi rin pwedeng tayo ay nasa gitna. Hindi pwedeng hindi tayo makialam. Para sa akin ay sagot ng isang duwag at walang tiwala sa mga Filipino ang pagboycott sa proseso ng halalan. "E trapo din naman ang mananalo eh." E kung lahat ba kayong nag boycott eh magsama-sama at iboto ang isang kandidatong tunay na para sa mamamayan eh di sana hindi sya ang nanalo.

"Wala kaming tiwala sa proseso!" Bakit wala? Bakit hindi tayo kumilos para maibalik ang tiwala. Pasikat lang ang pagboycott para sa akin. Wala pong tampuhan pero opinyon ko yan kaibigan.

Ako sa totoo lang kikilos ako para sa mga anak ko at sa mga magiging anak nila. Putsa nakakasawa nang magkaroon ng mga opisyal na basta-batas na lang gagasta ng 1 Milyong Piso habang walang makain ang taumbayan!

Nakakainis din ang mga gustong maging pangulo pero mahigit 10 Milyong Piso ang nagagastos sa TV Advertisement para magpasikat. Sino nga ba ang mas malala si Gloria na gumastos ng 1 Milyon Pesos para sa 65 na tao at opisyal ng bansa o ang isang tatabong Presidente na gumagastos ng mahigit sa 10 Milyon para sa kanyang sarili?

E ano kung pera ng bayan. Gusto mo ba na sa kaawa-awang restaurant kumain ang mga kumakatawan sayo? Siguro kaya tayo nagagalit dahil wala tayong tiwala kay Pangulong Gloria at dahil naiinis tayo sa kanya at kasama na ako dun sa mga naiinis.... naisip ko lang na hindi rin pala ako pantay tumingin. Parehong mali at parehong hindi dapat ang dalawang bagay.

Kaibigan kung gusto mo ng pagbabago magkabilaan lamang ang mundo. Saan ka ba lalagay? Sa mga ayaw kumilos o sa mga kikilos? Ang relidad ay hindi permanente sapagkat tanging pagbabago ang permanente sa mundong ito.

Kung ayaw m ng bulok na sistemang ito kumilos ka!

Kung gusto mo ng pagbabago kumilos ka!


Kung hindi ka kikilos huwag kang magsisisi sa huli at huwag kang magrereklamo sa mga nangyayari. Hindi ka nga nakiaalam magrereklamo ka pa?

Narito ang kanta na Magkabilaan ni Joey Ayala ... para po sa ating Pangalawang kanta sa Musikahan sa Lunes.




Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: