Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Friday, August 7, 2009

Nasaan si Enrile at Honasan? (Where is Enrile and Honasan?)

Nasaan si Senate President Juan Ponce Enrile at Senador Gringo Honasan? Hindi sila nagpakita sa lamay at kahit sa libing ni Pangulong Cory Aquino. Tila hanggang ngayon ay may coup d'├ętat pa rin sila laban sa dating pangulo. Matatandaang ang dalawang ito ay nagsama upang pabagsakin ang dating pangulo sa pinakamadugong coup attempt noong December 1989 na kung saan ang isang jet fighter ng Estados Unidos ang siyang nagpatigil sa kanila.

Mabuti pa ang pamilyang Marcos at si GMA dumalaw sa lamay subalit bakit hindi ang dalawang naging kasama nya sa EDSA People Power Revolution? Ano ang lihim na itinatago ng dalawa na maaaring ayaw na nilang maitanong sa kanila ng mga media?

Sa bawat TV coverage ay inaabangan ko at tinitingnan kung sino ang mga nagpupunta at palagi kong natatanong na bakit wala pa yata si Enrile. Bilang Pangulo ng Senado dapat ay nagpunta siya doon at bilang isa sa haligi ng EDSA dapat naroon din siya.

Tila yata malalim ang hidwaan nina Enrile, Honasan at Cory. Ano nga ba ang tunay na rason at nag-alsa sila? Mali ba ang pagkakilala natin kay Cory at may mga tinatagong hindi maganda ang dalawang ito?

Hindi natin alam at para sa akin wala na rin akong balak alamin sapagkat wala na si Cory. Sana rin ay inilibing na nina Honasan at Gringo ang kanilang sama ng loob at nagpakababa. Subalit tila wala yata ito sa kanilang bokabularyo. Lalo pa at siguro akala ni Enrile pagkatapos ni Ramos ay siya naman ang susunod na pangulo ng Pilipinas tapos si Honasan naman.

Malas nga lang ni Enrile tila walang tiwala ang mga Filipino sa kanya.


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: