Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, August 31, 2009

Nicanor Perlas at Iba Pang Presidentiable Lumagda sa 13 Pangako Para sa Halalan 2010

"Tayong lahat ang magbabago ng Pilipinas," ito ang isinulat ni Nicanor "Nick" Perlas sa "Unity Wall" sa Tatakbo Ka Ba? ng GMA 7 bago magpledge ng oath para sa isang malinis na halalan sa 2010. Kapansin-pansin ang malaking pagkakaiba ng mga sinulat sa Unity Wall. Bukod kay Perlas ay nakatawag din sa akin ng pansin ang sinulat ni Erap na "Walang tutulong sa Pilipino kundi kapwa Pilipino". Ang dalawang mensaheng ito ay nagpapakita ng tunay na pagmamahal sa ating bayan na hindi kayang tawaran... yun nga lang may malaking pagkakaiba ang dalawang ito.

Kahapon ay sumama sa Unity Walk ang 13 na tatakbong presidente o bise-presidente sa darating na Halalan 2010. Kasama sa mga nag unity walk sina Jejomar Binay, JC delos Reyes, Francis Escudero, Joseph Estrada, Bayani Fernando, Richard Gordon, Loren Legarda, Jamby Madrigal, Francis Pangilinan, Nicanor Perlas, Mar Roxas, Eddie Villanueva at Manny Villar.

Nangako sila na hindi mandaraya at hindi gagamitin ang dahas at ang maling paggamit ng pera sa darating na halalan. Sumumpa sila sa 13 na bagay na kanilang sinasang-ayunan para sa Halalan 2010. (Tingnan ang SINUMPAANG PANGAKO NG MGA KANDIDATO)



Habang sinusulat ko ito ay natigilan ako bigla sapagkat dalawang beses umulit ang numero 13 sa nangyaring ito. 13 ang nakiisa sa Tatakbo Ka Ba? at 13 din ang bilang ng kanilang pangako.... hmmm sana huwag naman silang malasin.

Ano ba ang silbi naman ng kanilang ginawang ito?

Sinabi ni Perlas na mahalaga na maging malinis ang halalan sa 2010 sapagkat marami sa mga Pilipino ang gusto ng tunay at epektibong reporma sa pamaghalaan.

“Most Filipinos are looking for change. That is why we really need to ensure clean elections so that the real choice of Filipinos can emerge,” iyan ang sabi ni Perlas.

Sinabi naman ni Bro. Eddie Villanueva na sana ay tuparin ng mga lumagda doon na kakandidato ang kanilang mga sinabi sapagka't noong daw 2004 ay lumuhod pa sa Simbahan ng San Agustin pero nagkadayaan pa rin.

Ano ang magiging simbulo ng 13 na numero sa halalan sa 2010? Marahil ito ay simbulo ng tuluyang pagbabago ng ating bansa tungo sa isang maganda at natatanging Pilipinas. Ito ay simbulo ng pagbagsak ng uring nagpahirap sa mamamayang Filipino.

Narito ang mga sinulat ng mga kandidato sa Unity Wall:

Binay: Ipagmalaki mo ikaw ay Pilipino

Delos Reyes: For hope and a new beginning

Escudero: Para sa kabataang Pilipino

Estrada: Walang tutulong sa Pilipino kundi kapwa Pilipino

Fernando: Let's get it done

Gordon: For a change in men

Legarda: Malinis na halalan

Madrigal: For God and country

Pangilinan: Rock the Vote!

Perlas: Tayong lahat ang magbabago ng Pilipinas.

Roxas: Para sa bansa

Villanueva: Ang tunay na pagbabago

Villar: Para sa malinis na halalan




Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

2 comments:

makapili said...

sino kaya ang susunod na magiging pangulo ng Pilipinas? mahirap ng magtiwala....

please visit me at : http://ulongmaybayong.blogspot.com

David D'Angelo said...

Magsama-sama na tayo kay Nicky Perlas ... http://www.nicanorperlas.com