Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, August 10, 2009

Noynoy Aquino for President... Ano Raw?

Hindi ako tumututol kung gustong tumakbo bilang presidente ni Senador Benigno "Noynoy" Aquino pero dapat na nga ba siyang tumakbo? Dapat bang gamitin ang nabuksang emosyon ng mga mamamayan para sa kanyang ina sa kanyang pagkandidato?

Kung ang mga analyst ang tatanungin maganda ngang panahon ito para tumakbong pangulo si Noynoy. Buhay na buhay ang ala-ala ng bawat Filipino sa kanyang ama't ina. Tiyak na maraming boboto sa kanya base na rin sa kanilang emosyon at paghanga. Subalit tama ba ito?

Sadyang emosyonal ang mga Filipino. Madaling magdesisyon ng mga bagay-bagay na hindi naman lubos na pinag-iisapan. Para sa akin hilaw pa si Sen. Noynoy sa pagka Pangulo. Hindi pa sapat ang kanyang kakayahan at kaalaman at maaari lamang na ikumpara siya sa kanyang ina. Sa pagupo ni Noynoy ang unang itatanong, "Mahihigitan kaya nya o mapapantayan man lang ang kanyang ina?"

Tatakbo ang career ni Noynoy sa ilalim ng anino ni Cory bilang pangulo. Huhusgahan siya hindi base sa kanyang kakahayahan kundi base sa pamantayan ng kanyang ina. Hindi ito maganda para kay Noynoy at hindi rin maganda para sa ating bansa.

Para sa mga nagpupumilit na tumakbo si Noynoy bilang Pangulo ang masasabi ko ay sana tigilan na ninyo ito. Huwag ninyong dalhin ang anak nina Ninoy at Cory sa isang sitwasyon na balang araw ay pagsisisihan niya dhail na rin sa mga pamantayan na ibibigay ng taumbayan.

Isa pa hindi lamang naman si Noynoy ang pwedeng magpatuloy ng mga adhikain ng kanyang ina sapagkat marami pa naman ang mas may kakayahan at katulad ng kanyang ina ay nagtaguyod sa demokrasya at nagmamahal ng lubos sa kanyang mga kababayan.

Noynoy Aquino for President? Not at this time...


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

17 comments:

Guest said...

noynoy must gain sufficient knowledge like his parents on how to handle our country, if he will able to do that i will be on top of the list to vote him.i know you can noynoy,,,go for it.

David D'Angelo said...

I will also vote for him in that case but right now I think he should still run for the senate or vice president.

Guest said...

true. :)

Charlie said...

at bakit hindi? mas gugustuhin ba nating iboto si conyo ng tondo na hindi pa man kandidato e daang milyones na ang ginagastos sa tv ads palang. kagaya rin sya ni mr. palengke kuno at kinuha pa ang serbisyo ni ate kuring. wala ring pinag-iba yung katutubo ng makati pati na rin ang hindi bayaning naka-pink. tapos humabol pa yung ladyboy na naghahabol ng mana sa tyahin.

hindi ko sasayangin ang boto ko sa mga KSP na yan.

sino lang ba ang may moral decency ngayon at malinis ang record pagdating sa korupsyon? simple at mapagkumbaba? bayani ang mga magulang? hindi matakaw sa kapangyarihan?

oo, si noynoy lang ang sa palagay ko ang makakapag bigay ulit ng respeto sa mga Filipino sa loob at labas ng bansa.

inunpisahan ko na sa pamamagitan ng paggawa ng website para makatulong man lang sa kanyang pagdesisyon na tumakbo sa pagka-presidente. www.noynoyaquino.com

David D'Angelo said...

Let us also remember that Noynoy belongs to the same party that Mar Roxas is and well if he runs and intends to really do good for the people how can he run while Senator Mar as you said had already spend millions in ads. .. perhaps he would run independently or together with other reform candidates.

Let us also remember that the legacy of Cory and Ninoy is not only through their family but it is shared by every Filipino. There are other reform candidates that are way better than Noynoy... if we want a President for a better Philippines we should not base our choice on the basis of hype and current emotions.

David D'Angelo said...

Napa English yata ako dun ah... ehehehe akala ko yung isa kong blog ito :) ... pero honestly ok naman si Noynoy... he even voted against JPEPA... samantalang si Mar at Villar eh pro.

Guest said...

I believe that Noynoy will be the opposite of all the candidates. He doesn't lust for power and doesn't even break the law on premature campaigning. He is reluctant to hold on to power. He will our persuasion and our commitment to stand behind him. Sign the petition now! Urge Noynoy to run!

www.petitiononline.com/Aquino/petition.html

Guest said...

I believe that Noynoy will be the opposite of all the candidates. He doesn't lust for power and doesn't even break the law on premature campaigning. He is reluctant to hold on to power. He will our persuasion and our commitment to stand behind him. Sign the petition now! Urge Noynoy to run!

www.petitiononline.com/Aquino/petition.html

David D'Angelo said...

Noynoy's time will come.. I think that it is about time to elect a President that has proven his worth through numerous initiatives but had never lust for recognition and power. I hope Noynoy can see this as well.

Nikko said...

hmmm... Erap initiated the first conviction of President through the courts. Villar initiated one of the most expensive premature campaigning. Chiz initiated one of the most obvious "pakipot" styles by the trapos by saying he's unsure if he's running but already airing radio ads in different dialects... Loren initiated one of the most embarassing flip flops in history by crying in Erap's impeachment, and years later praises Erap as if he's an immortal...

David D'Angelo said...

My choice is definitely Nicky Perlas... it would be great if that would be Nick-Noynoy... well for a better Philippines. I believe in Noynoy... that he is not like the other trapos.

Guest said...

sana mag asawa na sya...hindi kasi maganda na tumanda syang binata..lalo na sa isang pangulo na walang asawa sigurado pag fiestahan ng karamihan ang personal nyang buhay pag tumakbo sya..mag asawa muna sya bago tumakbo..hindi maganda sa isang pangulo na walang first lady

Guest said...

gosh, ano nmn klaseng comment un. kesyo wlang asawa e di mganda na tumakbo.that's hilarious!lol

well, for me, as long as he has a clean conscience and influence to make the Filipinos united, then I bet that Noynoy will be a great leader than any other politicians.

David D'Angelo said...

Hindi lang naman conscience at influence ang kailangan... dapat meron din siyang plano for our country plus experience in it. One cannot rely on advisers alone.

Anonymous said...

WE SHOULD NOT QUESTION NOY NOY CAPACITY TO RUN A COUNTRY..THE BEST THING IS TO EXAMINE OUR SELF" ARE WE READY TO CONTINUE THE BATTLE AGAIN TO ACHIEVE THE COUNRTY WE ALWAYS DREAMING?"..ARE WE READY TO GIVE OUR HAND FOR CHANGE? ARE WE REALLY WANT TO CHANGE? THIS IS NOY NOY FAITH, HIS TIME HAS ARRIVE LETS US BE READY TO GIVE HIM OUR SUPPORT,LETS CONTINUE THE BATTLE THAT HIS PARENT IS FIGHTING FOR..BUT BEAR IN MIND THAT CHANGE IS A PROCESS IT TAKES YEARS ,BUT THE THING IS WE STARTED IT.TULOY NOY!!!

ian said...

i think,..noynoy must not run for presidency for he is not yet capable to be one..it's not that i'm degrading him..but,,he is only doing this because of the death of her mother-late pres. cory aquino..for if that didn't happen,,he wont run for this position..so as i see to it,,if ever he will win,,he will be running the country according to the will of his parents..not him alone..he will be dependent on them..

gigi said...

BOBO LANG ANG BOBOTO KAY NOYNOY! .. DUH! Ayaw questionin kase walang maisagot!