Header

Paalam Tita Cory! Salamat sa Iyong Mga Pamana. (Farewell Tita Cory! Than You for Your Memories)

ShareThis
Nang malaman ko na lumaganap na hanggang sa kanyang atay ang cancer ni dating Pangulong Cory Aquino ay nasabi ko na hindi na ito magtatagal. Bagama't ipinapanalangin ko pa rin na sana magtagal pa si Tita Cory, alam ko na malapit na ang katapusan. Namatay rin kasi ang nanay ko sa cancer sa liver at alam ko na pinakamatagal na ang 3 buwan para sa mga ganitong kaso.

Hindi rin ako naglagay ng Yellow Ribbon sa aking blog bagama't pinag-isipan ko pa rin kung paano ko ipapakita ang paghanga at pagdarasal ko para kay Cory. Ngayong ika 3:18 ng umaga pumanaw na ang minamahal nating lahat na si Corazon "Tita Cory" Cojuangco Aquino sa edad na 76. Pumanaw siya na hilaw ang pamanang iniwan sa ating lahat. Pumanaw siya at nakita ang paglapa ng mga ganid sa kanyang nasimulang pagbabago.

Panahon na! Panahon na ng Pagkakaisa! Pagbabago sa 2010!



Ito ang mensahe ng buhay ni dating Pangulong Cory Aquino. Hindi tayo dapat malungkot sa kanyang kamatayan bagkus ay dapat tayong maging mas malakas at masigasig. Ating isabuhay ang tunay na mensahe ng EDSA People Power Revolution. Wasakin na natin ang mga piring na nakatakip sa ating mga mata at ang mga kadenang gumagapos sa atin.

Sa pagpanaw nya kanina ay para bang nakikiisa ang kalangitan. Bumuhos ang isang matindi at malakas na ulan at tumigil ganap na ika 3:30 ng madaling araw. Tila ba ito ay nagpapahiwatig ng isang mensahe... iyon pala pumanaw na nga ang ating Tita Cory.

Hindi ko bababanggitin ang naging buhay at ang legacy ni Pangulong Cory sapagka't alam kong marami ng magsasabi at magpapakita nito. Ang gusto kong gawin nating lahat bilang pag-ala-ala sa kanya ay isabuhay ang kanyang mensahe na hanggang ngayon ay hindi pa nagagawa.

Minsan na nating binigo si Cory ng manawagan siya sa atin para suportahan ang panawagan ng taumbayan na bumaba si Pangulong Arroyo sa puwesto. Hindi nakinig si Arroyo at nagbingi-bingihan naman tayo.

Patuloy tayong nabubuhay sa panahong ating tinalikuran. Tinatangkilik natin ang katiwaliaan at pulitikang pinairal at pinakilala ni Marcos at ng kanyang rehimen. Sa kamatayan ni Cory, ano ang gagawin natin? May silbi ba ang naging buhay niya?

Paalam Tita Cory! Pangako na mahirap man isasabuhay ko at susubukang isabuhay ang tunay na mensahe ng iyong buhay.

Salamat sa iyong mga pamana at ala-ala!


Handog ng Pilipino sa Mundo - Song for EDSA


Huwag nating payagang muling umiral ang dilim at sa 2010 maghandog tayo ng isang bagong Pilipinas.






















Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Related Posts by Categories