Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Saturday, August 8, 2009

Pagsaludo sa Fantastic Four Honor Guards ni Cory Aquino (Salute for Cory's Honor Guards)

Kaisa po ng napakaraming ng sumaludo at humanga sa apat na "honor guards" noong libing ni dating Pangulong Cory Aquino kami po ay nagpapahatid din ng aming paghanga at pagpupugay.


GMA Unang Hirit interview with Cory honor guards

Noong August 5 ng tinutunghayan ko ang libing ni Tita Cory sa Online Livestream ng GMA Network ay umabot na ng 6 oras ang prusisyon ay marami na ang nagtatanong kung okey pa raw ba yung mga guwardiya. Marami rin ang nagsasabing dapat daw ay may karelyebo sila. Pero hanggang sa matapos di sila natinag, hindi gumalaw at ginawa ng buong puso ang kanilang tungkulin.

Mga ordinaryong miyembro ng PNP, Air Force, Navy at Philippine Military ang apat na ito. Hindi sila humingi ng anumang parangal sapagkat para sa kanila ito ay bahagi ng kanilang tungkulin at karangalan na rin para sa kanila ang maihatid ang tinatawag ng lahat na Ina ng Demokrasya sa Pilipinas.

Ang apat na honor guard ay kinilalang sina: Airman Second Class Gener Laguindam, Navy Petty Officer 3 Edgardo Rodriguez, Police Officer 1 Danilo Malab Jr. at Private First Class Antonio Cadiente.

Pagkatapos ng libing bumuhos ang parangal at paghanga sa kanila. Katunayan nga niyan ay binigyan ang bawat isa ng cash reward mula kay dating Senador Agapito "Butz" Aquino, bayaw ng dating Pangulong Cory.

"Ito po ay pasasalamat ng pamilya at lahat ng nakiramay," saad ni Butz Aquino habang ibinibigay ang cash reward.

"Trabaho lang ma’am 'yun sa amin. Hindi namin alam na magkakaganito. Unexpected po talaga," bigkas ni Laguindam sa isang panayam sa GMANews.TV.

Dagdag pa nya, "Lahat naman kasi ng sundalo gagawin 'yung ginawa namin kasi military discipline naman. Kung sila ang nasa kalagayan ko gagawin nila 'yun. Nagkataon na lang na kami yung andun".


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: