Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, August 26, 2009

Pilipinas Mabubura sa Susunod na 100 Taon?

"The Philippines Might Not Be Around A Hundred Years From Now," iyan ang titulo ng isang artikulo na lumabas kamakailan sa Editoryal ng Philnews.com. Sinabi pa ng artikulo na sa susunod na isandaang taon maaaring tayo ay maging bahagi na lang ng isang mas malakas na bansa sa Asya. Totoo kaya na mangyayari ito? May posibilidad kaya? Ating tingnan...

Rice production in the Philippines may fall by 50 to 70 percent by the year 2020 according to Oxfam International due to global warming. Hardest hit will be countries near the equator like the Philippines where hot temperatures will get even hotter. A one degree rise in temperature causes a 10 percent drop in rice yield per hectare according to the Oxfam study which was prepared for the recently concluded G8 summit
.
Bukod sa climate change ang saan-saang pagpapalit gamit ng lupa mula taniman ng palay papuntang mga subdivision at prime lots ay malaki rin ang epekto sa produksyon ng bigas. Ang mga lumalakas na bagyo at ang pagpapalit tanim. Ang naging krisis sa bigas noong 2008 ay isang babala na ito ay posibleng mas maging malala sa mga susunod na taon.

The recently released 2009 World Competitiveness Yearbook places the Philippines dead last among the countries in the Asia-Pacific region. The country ranked poorly in economic performance, government efficiency, business efficiency, and infrastructure. The study also noted that the Philippines has the highest pupil-teacher ratio in secondary education among 57 countries.

Dahilan sa kawalan ng tunay na solusyon sa mga problemang kinakaharap ng ating bansa ay patuloy na bumababa ang lagay ng Pilipinas. Kung mayroon mang mga solusyon na ibinibigay ay mga solusyon na panandalian lamang. Ang tunay na pag-unlad pang ekonomiya ay hindi nararating sapagkat ang katotohanan ay mas marami ang nagugutom at naghihirap. Patuloy ang katiwalian sa Pilipinas. Marami sa mga negosyo man ay ginigipit ng mga tiwaling elemento sa pamahalaan.

Filipinos lag behind their Asian neighbors in science, technology and Innovation STI). Philippine Senator Edgardo Angara points out that the Philippines only produces 12 scientists and engineers per one million population. According to Angara that number is not even half of the United Nation's requirement for the sustainable development of a country.

Paano ka magkakaroon ng mga scientist sa Pilipinas na kung tutuusin ay marami naman talagang matatalinong Pilipino... pag nakaimbento ka pagtatawanan ka tapos hindi ka pa susuportahan ng sarili mong gobyerno. Tingnan nyo nga si Dingle, anu nangyari sa kanya? Nasaan na ang kanyang magandang imbento? Nasa ibang bansa na kasi hindi pinansin dito sa atin.

The Philippines has for the past decade ranked among the most corrupt countries in the world. This perception is not only prevalent among foreigners who have worked in the Philippines, but also among Filipinos who now live or work in other countries. Transparency International and Political and Economic Risk Consultancy are just two of the many organizations that have consistently rated the Philippines as highly corrupt.

Huwag ninyong sabihin na hindi totoo ito. Abe eh makapal ang mga nakaupo sa atin... pakain-kain pa ng 1 Milyon at kung magtip todo-todo. Tapos yung mga gustong tumulong at magbago ng Pilipinas kung magpasiklab sa telebisyon ay milyon-milyon. May karansan nga ako sa isang proyekto na tutulungan daw kami basta may komisyon sya na 30%. Ganyan katindi ang kurakot dito sa ating bayan. Mababago lamang yan kung talagang may kakayahan ang magiging pangulo na manindigan para sa paglilinis ng katiwalian sa pamahalaan. Parang nasa kultura na natin ang lagayan system. Kung gusto mo mapabilis ang transaksyon mpo sa gobyerno magbigay ka ng padulas. Hindi lang yan sa gobyerno kasi pati sa media organizations ganyan din ang kalakaran... at personal ko yang naranasan.

The Philippine Military is generally perceived as corrupt and disorganized, with poorly trained and ill-equipped men and women. The Armed Forces of the Philippines (AFP) has only one vintage destroyer and no jet fighter aircraft to speak of. The AFP is even unable to decisively eliminate the Abu Sayyaf bandits from Southern Mindanao.

Yan nga ang masama eh sa militar nagsabi na ng katotohanan sina Danny Lim, Trillanes at Querubin tapos sila pa ang nakakulong. Bulok na ang mga gamit ay nabubulok pa ang sistemang kanilang ginagalawan. Walang kakayahan ang ating hukbong pandigma na labanan ang kahit sinong papasok sa atin. Kung sasakupin nga tayo ng China o kaya ng Malaysia ay wala tayong kalaban-laban.

Already one of the world's most populous countries, the population of the Philippines is estimated to balloon to 101 million by 2015 according to the World Bank. Thus any incremental gains made in economic development, food production, climate control. and energy conservation are sadly offset by its exploding population.

Wala namang problema sa titirahan o sa lawak ng bansa sapagkat kaya naman talaga tayong tumira sa Pilipinas ang problema kulang ang pagkain at iba pang serbisyo para sa dumaraming populasyon ng ating bayan. Tila napakasipag nating magpopulate at magpakarami... sabi kasi dati pagkatapos ng misa, "humayo kayo at magpakarami,". Namali yata ang intindi ng karamihan kaya dumami tayo ng ganito. Walang masamang magplano lalo pa at para naman ito sa ikagagaling din natin. Dumarami ang naghihirap dahil din sa dumarami tayo.

ANO ANG DAPAT NATING GAWIN SA HARAP NG KATOTOHANANG ITO?

Simple lamang dapat na gumising na tayo at matauhan. Hindi na solusyon ang mga dating ginagawa. Dapat nating likhain ang gusto nating bukas at kasama dapat tayo sa solusyon ng problema ng ating bansa. Hindi pwedeng sa isang tao lamang tayo umasa o sa isang pangulo.

Dapat na sa 2010 ay pumili tayo ng kandidatong hindi lamang mamumuno kundi makikinig din sa atin. Hindi dapat ang kasikatan, kakisigan o iba pang personal na dahilan ang maging basehan ng ating pagpili kundi ang kanyang kakahayan na mapag-isa ang ating bayan at mabuksan ang tunay na kakayahan ng mga Filipino.

Mawawala na ba ang Pilipinas? Nasa sa atin yang lahat mga kababayan. Ikaw ba papayagan mo ba ito? Ako hindi! Sana ikaw rin...


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: