Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, August 4, 2009

Poem for Cory by Paul Monching Santos

Isa po muling tula na alay ng isang Filipino para sa ating Tita Cory:

Poem for Cory
by Paul Monching Santos, Pundasyong Kasilonaoan ng Obando (PUKAO)

Sa panahong si Inay
Ay binabagabag ng karamdaman
Isip ko'y tuliro
Di nakikipaglaro sa katoto.

Piligro ng sakit ay hayag
Papasanin ng lahat ng may balikat
Ika'y aalalayang husto
Pagmamahal ay totoo.

Inay na ilaw ng tahanan
Siya'y Ilaw ng bayan
Si Inay ay laging sa puso ko
Pambansang Ina ng Pilipino si Cory Aquino

Giliw mong Bayan ay lumiliyad
Talampakan ng Panginoon ay mahimas
Karagdagang lakas at panahon
Sa Pambansang Ina nami'y ilukob

Gaya ng ikinintal na aral
Panalanging pinakamahusay na armas
Sa kaniya'y 'di ipagdadamot
Gaya ng lagi niyang 'di pag-iimbot.




Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

1 comments:

paul monching santos said...

salamat po sa pagpili niyo sa aking tula...
maaari po kayong magpadala ng inyong mga komento sa pol_station@yahoo.com...
salamat sa suporta...
mabuhay ang Sining ng Pilipino!