Header

Ang Bagyong Ondoy, Ang Pagbaha at Ang Kalamidad

ShareThis

Ito ang BAGYONG ONDOY... Bumabagyo na naman at bumabaha na naman sa napakaraming lugar.  Tila naging ilog na nga ang Metro Manila dahil sa halos 6 na pulgadang baha sa mga pangunahing lansangan.  Paalis pa naman ako dapat ngayon upang pumunta sa isang Leadership Conference kung saan ako ay magiging tagapagsalita pero hindi ako tumuloy dahil pag mga ganitong panahon mapanganib talagang magbyahe.

Libo-libong pasahero ang stranded sa mga piyer, trabaho, shopping mall at kung anu-ano pa dahil nga tila ilog na ang lansangan.  Bumaha naman sa ibang mga lugar dahil kailangang magpakawala ng tubig sa mga dam.  Sa tuwing may bagyo ay milyon-milyong halaga ng pananim at ari-arian ang nasisira.  Bakit nga ba ganito katindi ang pagbaha?  Mali ba ang pagkakagawa ng mga kanal at kalsada?


Hindi ang pagkakagawa ng mga kanal at kalsada ang mali kundi ang ating mga pag-uugali hinggil sa tamang pangangalaga ng ating mga kanal, ilog at iba pang daanan ng tubig.  Napupuno ng ating mga basura ang mga kanal kaya't ang resulta ay walang maayos na daanan ng tubig.  Dagdag pa dyan ang katotohanan na til hindi masyadong pinaplano ang mga kanal at daanan ng tubig.


Sabi nga nila ang mga basura nating tinatapon ay bumabalik din sa ating kapag may bagyo.  Ilan pa bang Ondoy at bagyo ang kailangang dumaan para matuto tayo.  Nagkakaroon ng napakaraming landslide hindi dahil natural ito at masama ang panahon kundi dahil kinalbo na natin ang mga kagubatan at ang iba naman ay pinagmiminahan para kumita ang mga mayayaman.

Dito natin makikita na tila walang halaga sa tao at sa pamahalaan ang kalikasan o dili kaya ay kulang sa ngipin at "political will" ang mga nakaupo sa pamahalaan upang bigyan ng pansin ang kapaligiran.  Siguro dapat na sa 2010 ay mga makakalikasang tao naman ang mabigyan natin ng pagkakataon para naman mapanumbalik ang ganda at katatagan ng ating kapaligiran.


Ilan na naman kaya ang nakatira ngayon sa mga evacuation center?  Ilan na naman kaya ang nawalan ng tirahan at mga gamit?  Ilan na naman kaya ang nasira ang mga tanim at namatay ang mga alagang hayop?  Ilan na naman kayang buhay ang binawi ng kalamidad?

Bagama't ang mga ito ay sadyang biglaan at maaasahan kapag masama ang panahon may mga paraan naman para ito ay maiwasan. 

Dito sa amin napakalakas ng hangin at ulan at tila hanggang mamaya pa ito.  Malamig ang simoy ng hangin at masarap matulog... tiyak marami na naman ang pwedeng mabuntis.  Ngayon-ngayon din lang isang babae ang humahangos para sabihin sa kanyang mister na wala siyang nailigtas sa kanilang mga gamit na inanod na ng baha.  Isang kapalaran na sadyang nakakalungkot at nakakapanghina ng loob.


Marami pang kwento ng bagyong Ondoy... ng mga pagbaha at ng mga kalamidad ang ating makikita at maririnig at sana sa mga ito ay may kapulutan tayo ng aral at mas mapaghandaan pa natin ang mga susunod na ganitong pangyayari.

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Related Posts by Categories



3 comments:

hahhahah said...

wala b yung kay Bayani fernando???????

David D'Angelo said...

Anu ba tungkol kay Bayani Fernando?

xtinaH said...

22o ba yan ?????????