Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, September 30, 2009

Ang Pagbawi ni Gloria Arroyo sa Pagiging Temporary Shelter ng Malacanang


Natatandaan ko noong gabi ng September 27 ay sinabi ni Pangulong Arroyo na pwedeng gawing temporary shelter ang compound ng Malacanang sa mga nangangailangan.  Sinabi rin nga niya na lilipat muna siya sa PSG compound pansamantala upang matugunan ang mga pangangailangan ng tao.  Subalit ano ang nangyari at mukhang biglang uminit ang ulo at nairita si PGMA ng makita ang maraming taong nakapila sa pintuan ng Malacanang?


Bigla na lang sinabi na ang gagawin lang daw ng Malacanang ay ang repacking ng mga relief good na kanila namang ibibigay sa iba't-ibang evacuation centers. Kaya nga ang sabi ay dapat daw sa mga evacuation centers pumunta at hindi sa palasyo.

Anu ba talaga Ate Glo? Bakit ganun na lang ang pagbabago?

Sila lamang po ang makakasagot niyan pero para sa akin isa lamang ang masasabi ko, ITO ANG PAGPAPAKITA NG TUNAY NA KULAY NG ADMINISTRASYONG ITO. Nakakahiyang isipin na sa kabila ng mga pangyayari ay ganito pa. Nakakahiyang isipin na ginamit din lamang sa biyahe ng Pangulo ang humigit kumulang P800 milyon na napunta sana para matugunan ang mga kalamidad na gaya ng Bagyong Ondoy.

Bagong pulitika para sa isang Pilipinas na ikararangal nating lahat!

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: