Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Saturday, September 26, 2009

Ang Paglilingkod at ang Pagdurusa para Dito...


Apat na buwan na ang nakakaraan matapos ang World Creative Youth Forum (WCYF) subalit patuloy pa rin akong hindi makahinga sa lalim ng kinababaunang utang dahil sa isang event na sinubukang itaguyod ang kalikasan at kagalingang panlipunan.

Pagkatapos ng event sa halip ng sana ay ganda at potensiyal nito ay sisi, galit at panunumbat ang ilan sa mga natatangap ko at patuloy na tinatanggap. Tila yata mas madaling manumbat at magturo klung sino ang mali kaysa tumulong upang maging magaan ang lahat.



Hindi ko naman ginusto na maging ganito at sa totoo lamang ay gutom at todo sakripisyo ang ibinigay ko at ng mga kasama ko upang maisakatuparan ito. Mga sakripisyo na hanggang sa ngayon ay patuloy kong dinadala.

Ang aking panganay na anak ay nararanasan ang hirap at lalo na ang dalawa ko pang anak na halos ay hindi ko mapadalhan ng pera sapagkat kailangan kong magbayad ng sangkatutak na utang. Minsan nagtatanong ako bakit kailangan kong magdusa ng ganito samantalang kabutihan lamang ang aking hangad.

May isa pa nga akong kwento na natanggap na nagkamal daw ako ng mahigit dawalandaang libo (PHP200,000) sa event at ito daw ay nasa bang account. Sana ay tingnan nila ang bank account para malaman nila ang katotohanan.

Buwan-buwan kailangan kong makakita ng P10,000 - P15,000 para makabayad ng utang. Wala naman talaga akong siguradong pagkukunan ng pera dahil nagsusulat lang din naman ako sa mga blog at nagdedesign ng website. Karamihan sa mga singil ko ay mababa rin naman kasi nga gusto kong matulungan din sila.

Minsan tinatanong ko ang sarili ko kung san ko ba nakita ang ugali ko na puro tulong ng tulong at puro na lamang pag intindi, pagpapatawad at pag ngiti ang alam. Hirapan ako magalit... hirapan din ako na maningil at pwersahin ang mga tao na magbayad. Ayaw ko na may nagagalit sa akin at may sasama ang loob... pero ganun pa man may mga sumasama pa rin ang loob.

Sasabihin ng ilan pag nabasa ito na nagsesenti na naman ako at nagpapaaswa. Wala akong pakialam sa sasabihin nila sapagka't ito ang nararamdaman ko.

Nagkautang ako... at marami pa akong utang na dapat bayaran. Utang na hindi ko naman ginastos para sa sarili ko kundi nagamit upang tuparin ang isang layunin para mapabuti ang higit na nakakarami.

Kung ganito talaga kahirap ang landas ng pagiging isang social activist at isang taong gustong maghangad ng kabutihan at pagbabago ay tatanggapin ko... pero magkagayunpaman ay naghahangad din naman ako na kahit papaano ay may tumulong sa akin at sa amin.

Inaasam ko rin na sana ay matapos na ang mga paghihirap na ito at sa wakas ay makaluwag-luwag na rin kami. Gusto kong mabigyan din naman ng magandang kinabukasan ang aking mga anak. Mahal na mahal ko sila. Katunayan nga ay kaarawan na ng bunso ko sa September 30 at wala man lamang yata akong maibibigay para sa kanya.

Madalas natutulala ako at nag-iisip kung tama pa ba ang ginagawa ko. Tinatanong ko ang sarili ko kung bakit patuloy kong ginagawa ang mga ginagawa ko.

Tanga nga lang ba ako talaga?

Hindi ko alam... basta ang alam ko masaya ako sa mga ginagawa ko...

Salamat sa inyong pagbabasa ng aking personal na hinaing at kuwento.





Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: