Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, September 21, 2009

Ang Tuluyang Pagbagsak ng People's Primaries?

Nagbabasa ako ng naging resulta ng General Assembly ng People's Primaries at gaya nga ng matagal ko ng kinatatakutan ay tila tuluyan na yatang bumagsak ang People's Primaries.  Para sa akin iyon ang nangyari sa Peoples Primaries.  Sinubukan pa ngang isarado na ang proseso at tuluyang bigyan ng mandato si Sen. Noynoy Aquino bilang opisyal na kandidato base sa tinatawag na "people's process".

Para sa akin ay hindi rin dapat na isama sa proseso ng People's Primary ang mga kandidato na hindi sasangayon na sila ay mapaloob dito at hindi rin dapat na ipasa ang "binding agreement" mula sa kandidato papunta sa boboto.



Ang tunay na prosesong ay dapat na sasang-ayunan at magiging binding sa lahat ng mga kandidatong papaloob at mananalo sa People's Primaries. Para saan pa ang isinasagawang ito kung hindi rin naman pala ito binding sa mga kandidatong nakapaloob dito.

Sadyang hindi pa akma ang ating sistema at sitwasyong pulitikal para sa isang napakaganda at makamamamayang proseso na gaya ng People's Primaries. Agad na nasilaw ang karamihan sa mga tagapagsulong ng bagong pulitika sa ningning ni Sen. Aquino. Hindi muna tiningnan kung ang ningning na ito ay tunay nga bang liwanag na magsusulong sa isang bagong pulitika at isang Pilipinas na magtataguyod sa mga pagbabago na matagal na nating inaasam.

Ano nga ba ang depinisyon ng isang Traditional Politician o TRAPO? Kung tunay nga na para sa pagbabago ang isang kandidato bakit siya maghahangad na makasama ang mga TRAPO na pansariling interes lamang ang hangad?

Tuluyan na nga bang bumagsak ang People's Primaries? Ito ba ay kinain na rin ng sistemang nais niyang baguhin? Hanggang kelan masusuportahan ng mga taong tunay na naghahangad ng pagbabago ang orihinal na layunin ng People's Primaries?

Nagparehistro ako sa PP process pero nang matanggap ko ang text na nagpapaboto para sa isang straw vote at makita ko na kaagad kasama na si Sen. Noynoy Aquino kahit hindi pa ito nagdedeklara ay tinamad na ako... nasabi ko sa aking sarili ito na ang kinatatakutan ko.

Sa kabila ng lahat, naniniwala pa rin ako na ang mga taong naghahangad ng tunay na layunin ng People's Primaries ay magtatagumoay upang mabigyan ng kapanganakan ang isang prosesong magsisilang sa behikulo para sa bagong pulitika sa ating bansa.









Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: