Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, September 29, 2009

Congratulations Jophel Ybiosa for Winning the 2009 ASEAN-Korea Multimedia Competition


Isang pagsaludo kay kaibigang Jophel Ybiosa sa pagkapanalo mo sa 2009 ASEAN-Korea Multimedia Competition. Ang kanyang photo entry na "Giants" na pinapakita ang Higantes Festival ng Angono, Rizal ang napiling pinakamaganda at pinaka creative sa lahat ng mga sumali sa paligsahang ito.

Si Jophel ay kasamahan namin sa OneWebDay 2009 at sa Philippine Internet Users Society (PIUS), miyembro rin siya ng Obra Inc.  Nang magkaroon ng Cyber Zone Event sa Baliwag ay nagpaalam siya sapagkat bibigyan nga siya ng parangal sa Seoul, Korea.


Isa pang estudyante ng University of the Philippines na si MM Yu ang pinarangalan din ng “Special Guest Artist" para sa kanyang mga kahanga-hangang likha at larawang kinunan.


“Cultural Diversity and Harmony," ang tema ng paligsahan na nahati sa dalawang kategorya na video/multimedia at photography. Umabot sa 350 na estudyante mula sa mga miyembro ng ASEAN countries ang sumali na pinagtagumpayan naman ng isang kababayang Pinoy.

Ilalagay sa isang exhibit sa Seoul Art Space ang mga likha ng mga nanalong kalahok mula September 23 hanggang October 10. Ang 2009 ASEAN-Korea Multimedia Competition ay proyekto naman ng ASEAN-Korea Center kasama ang 10 ASEAN embassies sa Seoul.


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: