Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, September 9, 2009

Danny Lim for Senator? (with Video)

Tuloy na tuloy na nga ang pagtakbo ni Brig. Gen. Danny Lim para Senador sa 2010. Matatandaang si Danny Lim ay kasama ni senador Antonio Trillanes sa grupong Magdalo. Sila rin ang namuno sa nabigong Manila Peninsula seige. Pormal na ring ipinasa sa Commission on Elections ng grupo ang aplikasyon upang maging isang opisyal na partido pulitikal ang Magdalo. Ano nga ba ang kabutihan ng pagtako ni Lim?

Marahil ay nabigyan ng inspirasyon siya ng pagkapanalo ng mistah na si Antonio Trillanes pero mukhang kahit ilang taon na ang nakaraan ay may malaking posibilidad na mangyari ulit ito.


GEN DANNY LIM, INIHAYAG NA ANG PLANONG PAGTAKBO BILANG SENADOR


Ang isa rin marahil sa magiging kaibahan ay maaaring iba na ang pangulo sa 2010 kaya maaaring mapawalang sala ang mga Magdalo at sa halip ay tingnan ang katotohanan sa likod ng kanilang mga alegasyon at reklamo sa hanay ng militar. Ito rin marahil ang maaaring maging dahilan kung bakit maaaring suportahan ng mga matataas na heneral ang pananatili ni Gloria sa pwesto sapagkat baka matapos na ang maliligayang araw nila.

Hindi pa ako sigurdao kung iboboto ko si Danny Lim pero malapit sya sa aking mga pinagpipilian. Sa ngayon ay dalawa pa lang ang sigurado kong iboboto at ito ay sina Risa Hontiveros-Baraquel at Teddy Casino. Kay Ariel Querubin naman ay parang tinatabangan ako dahil nasa poder siya ni Manny Villar.

Abangan... abangan... ang gumagandang kabanata ng Halalan 2010!


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: