Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, September 30, 2009

Despite Budget Deficit and Ondoy Tragedy House Approves Budget for Con-Con

Sa kabila ng lumalaking lobo ng kakulangan sa pambansang budget at sa kabila rin ng trahedya na iniwan ng bagyong Ondoy ay inaprubahan pa rin ng ating mga mambabatas sa Committee on Constitutional Amendments ang P2 Bilyon na pondo para sa Con-Con o Constitutional Convention.

Napakadali nila itong nabigyan ng sagot samantalang ang pamunuan naman ng House of Representatives sa pamumuno ni Cong. Prospero Nograles ay sumalungat sa mungkahi na magbigay ng tig-1 Milyon na pondo mula sa pork barrel nila ang mga kongresista.  Ang gusto ni Cong. Nograles ay tig P20,000 lamang ang ibabawas dito.  Bakit dahil ba walang makukurakot sa pondong ibibigay sa mga biktima ni Ondoy.


Bakit ba pilit na gustong amyendahan ng mga kongresista ang ating Saligang Batas? Siguro natatakot ang mga ito na maging malakas ang panawagan para sa bagong pulitika at mawala sila sa puwesto. Natatakot sila na mawala ang kanilang mga delihensya at kurakot sa ating pamahalaan.

Sana man lang ay pinalipas na muna ng mga taong ito ang halalan at isinaisantabi muna ang mga pansariling interes. Dahil hindi makalusot ang Constituent Assembly ay Con-Con naman sa October 2010 ang gusto.

Narito ang mga magiging gastusin natin kung matuloy ang Con-Con:

* Susuweldo ang bawat delegado ng P40,000 isang buwan;

* Bibigyan din ang bawat delegado ng buwanang allowance na P110,000 para sa kanyang mga gastusin sa pagbyahe, networking at mga gamit o "supplies.";

* P884.081 billion para sa mga pansariling gastusin at sa kanyang limang staff;

* P174.559 million para sa gastusin sa secretariat at mga empleyado ng Con-Con;

* P617.500 million para sa maintentance at iba pang gastusin kasama na ang upa sa opisina, mga public hearing, gamit sa opisina, printing at iba pa;

* P108.600 million para pambili ng mga kagamitan tulad ng computers, printers, scanners, furnitures and fixures, at iba pa; at

* P300 million para sa contingency funds.

Ang yaman di ba? Ang gastos din di ba?


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: