Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, September 14, 2009

God Save the Philippines Not Only from Joseph Ejercito Estrada but from ALL POLITICAL OPPORTUNISTS and TRAPOS

"God save the Philippines from Joseph Ejercito Estrada," iyan ang sinabi ni Sen. Ping Lacson sa kanyang pasabog sa senado. Ito raw ang unang bahagi ng kanyang mga pagsisiwalat tungkol kay Erap. Nakakatawa naman itong si Sen. Lacson sapagkat pagkatapos suportahan si Erap ay eto siya at tinutuklaw muli ang dating amo. Ano ba ang tunay na dahilan? Naiipit nga ba si Lacson sa Dacer-Corbito double murder?

Ito ang salamin ng kabulukan ng sistemang pulitikal sa ating bansa. Ito ang mukha ng mga pulitikong pansariling interes lamang ang hangad. Nang wala nang mapala sa mga dating kasamahan ay sasaksakin sa likod at kung anu-ano na ang sasabihin. Hindi tayo dapat kay Erap mag-ingat kundi sa lahat ng mga tradisyunal na pulitiko!

Dapat nating tingnang mabuti kung sino nga ba ang ating mga iboboto. Bukod sa kasikatan at sa kanyang galing magsalita ay dapat alamin natin sino nga ba ang taong ito? Anu ba ang kanyang mga nagawa at ano ang sinasabi ng iba ukol sa kanya?

Nakakabigla pa ba ang mga pinasabog at isiniwalat ni Lacson? Hindi na raw sabi ni Chavit Singson sapagkat ito ay naibulgar na rin niya. Sinabi rin ni Singson na alam niya na may kinalaman si Erap sa pagpatay kay Bobby Dacer.

Kung tutuusin hindi lang naman si Erap ang may kasalanan sa Jueteng. Nawala nga ang Jueteng pero may Small Town Lottery naman at ang mga nagpapatakbo nito ay halos ang mga nagpapatakbo rin dati ng Jueteng.

Ang kabulukan ng ating sistemang panlipunan ay mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababa at kasama na rin dyan ang Sangguniang Kabataan. Pero hindi lang sila sapagkat pati tayong mga mamamayan ay nalalamon na rin ng sistema. Nagtitiyaga tayo sa mga pera at pansamantalang kaginhawaang binibigay ng mga pulitiko tapos pagkatapos ay kalbaryo naman para sa taong bayan.

Si Noli ba? Si Chiz ba? Si Erap ba? Si Nick Perlas ba? Si Noynoy ba? Sino ba ang dapat? Ang sagot ay wala sapagkat TAYONG LAHAT ANG SAGOT!

God save the Philippines from us! May God give us the light and that we be guided to choose the best President for this country.

Nakakasawa na ang mga eksenang kagaya ng ginagawa ni Lacson... nakakasawa na ang mga ganitong batikusan sa senado. Imbes na gumagawa sila ng mga batas at pinapagaan ang buhay ng mga Pilipino ay puro na lang mga bulgaran ng kanya-kanyang baho. Ang totoo lahat sila ay mababaho. Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang baho.

Ito bang mga taong ito ang ating pagtitiwalaan para sa kinabukasan ng ating bayan?

Magisip ka kaibigan...


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: