Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Thursday, October 1, 2009

Happy Birthday David D'Angelo Jr. ... WE LOVE YOU!


Nais kong batiin ng isang MALIGAYANG KAARAWAN ang aking bunsong anak na si J.R. (September 30, 2009).  Magkalayo man kami ngayon at madalas ay hindi nagkikita ay nais kong iparating na mahal na mahal namin siya ng kanyang kuya JD.

Alam ko na maraming pagsubok na pinagdadaanan ang pamilya natin pero kailanman ay hindi kita nakakalimutan kasama na ang iyong kapatid na si Dara. Anak, alam ko rin na madalas ay walang pera si Daddy at akala ng iba ay meron at mapera pero ang totoo ay masayahin lang talaga ako at nananalig na magiging maayos din ang lahat.


Dalangin ko na sana ay maging mabuti ang iyong kalagayan diyan at balang araw ay magkasama-sama rin tayo. Mag-aaral kang mabuti at huwag kang magpapabaya sa iyong sarili. Marami akong pagkukulang sa iyo anak at sana ay mapatawad mo ako. Mahal na mahal kita at walang kahit isang sandali na hindi kita inisip.



 Ang tatlo kong mga anak: JR, John Dwight at Helen Cleodara

Malungkot ako na hindi namin kayo kasama at malungkot din ang na sadyang napakatindi ng mga pagsubok at sakripisyong dumadaan sa ating mga buhay pero huwag tayong mawawalan ng pag-asa at tiwala sa Panginoon. Kaya natin ito at patuloy tayong maging gabay at tanglaw sa bawat isa at sa ating kapwa.

Para sa iyo ito anak at para na rin sa mga magulang at anak na hindi nagkikita ng madalas at hindi magkakasama. Sa mga magulang na nagsasakripisyo sa ibang bansa para lamang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga pamilya dito para rin ito sa inyo.



Sa mga anak huwag nating kalimutan na wala man ang ating mga magulang ay mahal na mahal tayo nila. Kailanman ay hindi nila tayo pababayaan at hahayaang mapahamak.

HAPPY BIRTHDAY ANAK! HAPPY BIRTHDAY DAVID D'ANGELO JR.

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: