Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, September 21, 2009

International Day of Peace is September 21: My Non-Participation Does Not Mean I Don't Care


Ngayong araw na ito ang selebrasyon ng International Day of Peace at kasama dapat ako sa aktibidad na ito ng Generation Peace Network o GenPeace pero ang malungkot ay hindia ko nakadalo.  Magulo pa rin minsan ang isip ko sa pagdalo sa mga ganitong okasyon dahil limitado ang aking kaperahan at minsan naiisip ko nga na ano ba ang pinag gagagawa ko sa buhay ko.  Puro na lang ba mga adbokasiya at pagpapalaganap ng adhikain pero patuloy naman akong nagdurusa sa mga ito?

Isa sa mga nirerespeto kong samahan ang GenPeace at proud ako na bahagi nito ang Brotherhood of Destiny (BROOD). Humihingi rin ako ng paumanhin kung hindi man kami nakadalo sa pagkakataong ito. Malalim din ang tinamong sugat ng BROOD sa nagdaang event nito para mapalaganap ang kapayapaan at ito ay ambag na rin namin sa adhikaing ito. Wala man ako ngayong araw sa Quezon Memorial Circle ay nakikiisa ang BROOD at ako sa layunin ng Generation Peace Network.


Ang Pandaigdigang Araw ng Kapayapaan ay isang panahon upang bigyan ng tuon at halaga ang kapayapaan sa ating buhay. Kapayapaan na kung saan itinataguyod ang ating mga karapatan at binibigyan tayo ng lakas upang maging lubos ang ating pagkatao at mapanatili ang ating dignidad.

Nagsisilbi ring panawagan ang araw na ito, September 21 upang manawagan sa lahat ng may digmaan na itigil na ang kaguluhan at pag-usapan ang problema. Isa rin itong panawagan sa bawat pamahalaan na tukuyin ang ugat at dahilan ng digmaan at hindi lamang basta hatulan ng kamatayan sa mga armas ang hindi sumasang-ayon sa kanilang pananaw.

Sa Pilipinas, ang araw na ito ay panawagan upang maging mapayapa ang darating na halalan sa 2010. Panawagan ito sa lahat ng kandidato upang dalhin ang adhikain ng kapayapaan ng Pilipinas sa kanilang plataporma at kampanya.

Sa taong ito ay sumabay sa pagtatapos ng Banal na Buwan ng Ramadan ang International Day of Peace. Ang pagkakataong ito ay nagsasabi lamang na dapat nating igalang ang bawat relihiyon at bigyang halaga ang bawat tao, paniniwala, adhikain at opinyon.

Sa pamunuan ng Generation Peace Network isang paumanhin sa aming hindi pagdalo at isang pagpupugay sa patuloy na pagtataguyod para sa kapayapaan at karapatang pantao.

MABUHAY KAYO!






Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: