Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Thursday, September 3, 2009

Isang Pagsaludo at Pag-alaala Kay Kapatid na Eranio Manalo

Bagama't hindi naging maganda ang ilan sa karanasan ko sa Iglesia Ni Cristo ay nais ko pa ring bigyan ng pagpupugay at pagsaludo ang isa sa pinaka haligi ng pananampalayata na ito na si Eranio G. Manalo o Ka Erdy. Si Ka Erdy ay sumakabilang buhay noong Agosto 31, 2009, 3:53, sa gulang na 84. Siya ang naging haligi at sandigan ng Iglesia Ni Cristo sa nakalipas na napakatagal na taon. Ang kanyang mga paninindigan, paniniwala at aral ang nagsilbing buklod ng isa sa pinaka nagkakaisang relihiyon sa Pilipinas.

Sa pagkamatay na ito ni Ka Erdy at papalitan siya ng kanyang anak na si Eduardo V. Manalo.

Nang mamatay noong ang matandang Manalo, na si Felix Manalo ay inakalang babagsak na ang INC subalit dahil sa pagsusumikap, at katatagan ni Ka Erdy bilang Executive Minister ng Iglesia ni Cristo ay lalo itong naging matatag at nagkaroon pa ng mga sangay sa ibang bansa. Sinimulan niyang pamunuan ang INC noong 1963. Tumayo rin siyang General Treasurer at District Minister ng Maynila.

Sa katatagan nga ng INC ay palagi itong hinihingan ng basbas ng mga kumakandidato sa lokal at sa nasyonal. Bagama't di hamak na mas marami ang mga Katoliko ay napapanatili naman ng INC ang 80% - 90% na solidong boto ng kanilang mga mananampalataya sa kandidatong kanilang sinusuportahan. Bukod pa dito ang paniniwala ng mga mamamayan na tiyak ang panalo ng mga ito.

Bagama't ang paniniwala ko ay hindi dapat nageendorso ng mga kandidato ang mga relihiyon at dapat ay hindi pinag-aawayan ang pananampalataya ay nais kong magpasalamat sa naging kontribusyon ni Ka Erdy at ng Iglesia Ni Cristo sa ating bansa.

Maraming Salamat Ka Erdy at Pagpupugay sa Iyo!


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: