Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, September 1, 2009

Mar Roxas and his Desicion to Giveway to Noynoy Aquino's Candidacy (I Hope I Am Wrong)

Ibinigay ni Mar Roxas ang huling desisyon kay Sen. Noynoy Aquino upang tumakbo sa pagkapangulo sa darating na halalan sa 2010. Bumaba si Roxas at sinabi na susuportahan niya ang kandidatura ni Noynoy Aquino sa pagka presidente. Ipinahayag ito sa Club Filipino sa greenhills sa harap ng mga miyembro ng Liberal Party at ng media. "Ito na ang pinakamabigat na desisyon sa buhay ko. Maniwala man kayo o hindi, ginagawa ko ito poara sa bayan, para sa inyo," iyan ang katagang binitiwan ni Mar. (basahin ang excerpt mula sa pahayag ni Sen. Roxas)

Ang tanong tatakbo nga ba talaga si Noynoy sa 2010? Ano ba ang pwedeng mangyari?

Para sa akin mas gugustuhin ko siguro na tumakbo na si Noynoy kesa sa isang pangyayari na aking nakikita. Kung tunay nga na tatakbo si Noynoy ay isang tunay na sakripisyo ang ginawa ni Sen. Mar Roxas at maaaring makasiguro ng kanyang pagkapanalo sa 2016.

Pero papaano kung ang lahat ng ito ay isang palabas at engrandeng planong pultikal lamang? Papaano kung sa September 9 ay sabihin ni Noynoy na...

"Napagdesisyunan ko po na hindi pa ako handang tumakbo sa pagka Pangulo bagkus ay tatakbo po ako bilang Bise Presidente ng isang kandidato na tunay na nararapat nating bigyan ng ating suporta at boto, si Sen. Mar Roxas. Siya po ang ating suportahan at ako po ay susuporta rin sa kanya bilang kanyang Pangalawang Pangulo."

Papaano kung ganyan ang nangyari? Sa ganitong paraan nakuha ni Mar Roxas ang simpatiya ng tao at malamang na dahil sa mga pangyayari ay bubuhos ang pagsuporta, paghanga at papuri ng lahat kina Mar Roxas at Noynoy Aquino.

Ito na marahil ang magiging pinakamagandang palabas at istratehiyang pulitikal na nagawa sa ating kasaysayan na mas magiging maganda kung papaniwalaan ng tao.

Para sa akin hihintayin ko muna ang mga mangyayari at ang desisyon ni Noynoy bago ako humanga kay Sen. Mar Roxas. Para sa ating lahat pagkamasdan at abangan ang bawat panguauari. Ang pulitika ay isang laro at istorya... ang bawat desisyon ay taktika para manalo.

Huwag po kayong magagalit mga kaibigan... ako po ay napaisip lamang at nagiging kritikal. Opinyon lang po.


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: