Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, September 7, 2009

Musikahan sa Lunes: Tunay na Pagbabago at Kapayapaan

Kailangan ng ating bansa ng tunay nag pagbabago at kapayapaan. Ilang beses na nating inakala na dumating na ang pagbabago ngunit paulit-ulit tayong nabigo dahil nagkamali tayo sa landas na ating tinahak. Hindi mali ang EDSA 1 at ang EDSA 2 ang maaaring mali ay nagkulang tayo sa ating dahilan ng pagkakaisa. Dapat sa panahong ito kung magkakaisa man tayo ay isang PAGKAKAISA UPANG BUMUO NG ISANG BAGONG PILIPINAS. Isang bansa na magiging marangal ang bawat Filipino. Isang pagbabago na sasaklawin hindi lamang ang pulitika kundi maging ang kultura natin at ang kaisipan.

Narito ang dalawang kantang alay natin ngayong araw upang sana ay maliwanagan ang isipan ng bawat isa sa atin. Sana matuto na tayong lahat at akapin ang tunay na mapayapang pagbabago.


Pagbabago - Asin



APO HIKING SOCIETY - SASAYA ANG PILIPINAS
Come join Music Monday and share your songs with us. One simple rule, leave ONLY the actual post link here. You can grab this code at LJL Please note these links are STRICTLY for Music Monday participants only. All others will be deleted without prejudice.

PS: Because of spamming purposes, the linky will be closed on Thursday of each week at midnight, Malaysian Time. Thank you!


Pagbabago?
Lyrics and Composition by Jess Santiago
Music by Asin


Nakakasawa ang mga pangako
Nakakapagod din ang maghintay
Ang mga pangakong laging napapako
Sa pagtitiwala ay pumapatay

Nakakapagod din ang umasa
Lalo't ang bituka ay walang laman
Napakailap sa mahirap ang hustisya
Lalo't bansa ay hawak lang ng iilan

Nag people power1 nagpeople power 2
Ang buhay natin di pa rin nagbabago
Nagpeople power 1 nagpeople power 2
Ngunit hindi pa rin tayo natututo

Maghapon-magdamag sa pabrika
Kayod-kalabaw sa bukirin
Ulani’t arawin tayo sa kalsada
Maisulong lamang ang adhikain

Hinarap na natin ang lahat ng hirap
Binalikat ang lahat ng pasanin
Ngunit ang bunga ng ating pagsisikap
Sinasarili lamang ng mga sakim

Tayo ang nagtanim, ang nagbayo at nagsaing
Ngunit nang maluto ay iba ang kumain
Tayo ang nagtanim, ang nagbayo at nagsaing
Ngunit nang maluto ay iba ang kumain

Tayo ang pangharang sa tangke
Tayo ang pambala sa kanyon
Habang nag-aabang ang mga buwitre
Naghihintay ng tamang pagkakataon

Tayo ang nagtanim, ang nagbayo at nagsaing
Ngunit nang maluto ay iba ang kumain
Tayo ang nagtanim, ang nagbayo at nagsaing
Ngunit nang maluto ay iba ang kumain

Tayo ang pangharang sa tangke
Tayo ang pambala sa kanyon
Habang nag-aabang ang mga buwitre
Bantay-salakay ang mga lider ng nasyon

Kahit nag-Edsa III, kahit mag-Edsa IV
Ang buhay natin di pa rin magbabago
Kahit mag-People Power tayo ang talo
Hangga’t hindi tayo natututo


Malalim ang musikang ito ng Asin pero kitang-kita ang katuturan nito sa mga nangyayari ngayon. Ang mga senyales ngayon ay tila katulad na katulad ng panahon ni Cory ang kaibahan lamang ay iba na ang ating kalaban.

Kalaban natin ang ating mga sarili at ang pagkakataon. Isang hamon sa atin ang lubos na maunawaan ang mga senyales at magdesisyon ng naaayon sa desisyon na makakapagpagabago sa ating bansa.

Anuman ang ating maging desisyon alam ko na sa huli ay ngingiti na rin ako at sasabihing tama ang aking naging desisyon. Hindi lamang pagpapalit ng tao ang kailangan ng ating lipunan. Hindi lamang kung sino ang dapat itanong kundi kung paano at ano.

Ang ating kultura ay dinaig na ng kultura ng katiwalian, kamangmangan at kawalan ng pag-asa at kailangan na itong palitan ng kultura ng tunay na Maharlika... kailangan na nating ilabas ang ating dakilang lahi.

Tahasan kong sasabihin ngayon na hindi lamang si Noynoy ang sagot! Hindi lamang si Manny Villar ang sagot! Hindi lamang si Nicky Perlas ang sagot! Hindi TAO ANG SAGOT!

TAYONG LAHAT ANG SAGOT! ANG ATING SAMA-SAMANG PAGKILOS AT PAGBABAGO ANG TANGING SASALBA SA ATING BANSA!



Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

3 comments:

mark said...

cHeckin Ur Music monday post....
happy MM

Hello said...

Blog Links: is a free service that lets you add your blog link to multiple blog sites.

Hello said...

Blog Links: is a free service that lets you add your blog link to multiple blog sites.