Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, September 9, 2009

Opinion on Noynoy Aquino's Declaration to Run as President in 2010

Sa wakas nagdeklara na nga ng kanyang kandidatura si Noynoy Aquino at sinabi nito na tatanggapin nya ang hamon ng mamamayan para siya ay tumakbo bilang Pangulo sa 2010. Sinabi ng marami kasama na ang kolumnistang si Conrado de Quiros na nagbibigay si Noynoy ng pag-asa sa taumbayan para sa mas magandang Pilipinas sa hinaharap. Ito rin daw ang pag-asang ibinigay ng kanyang ina noon. Pag-asa na sa paglipas ng panahon ay naging bangungot sa kasalukuyang administrasyon.

Ngayon ay masasabi ko na sumasaludo ako kay Mar Roxas sa kanyang pagbibigay daan kay Senador Noynoy na isa rin niyang kasamahan sa Partido Liberal. Tunany ngang isang sakripisyo ang kanyang ginawa. Pagsaludo rin sa dalawa pang miyembro ng Liberal Party na nagdesisyon na ring hindi tumakbo at suportahan na lang si Noynoy, sina Gov. Grace Padaca at Gov. Among Ed Panlilio.

Buong atensyon ng media ang ibinigay kay Noynoy sa kanyang press conference ngayong araw. Ito rin ang ika-40 araw ng kamatayan ng kanyang inang si Cory Aquino. Inalok din nya si Senador Mar Roxas upang maging kanyang Bise Presidente pero hindi pa ito sumagot. Mukhang gagamitin nila ang atensyon ng media upang mas mabigyan pa ng atensyon sila at maengganyo ang ating mga kababayan. Isa itong magandang ideya at pamamaraan para mapaganda pa ang kanilang mga balakin.


Noynoy Aquino announces bid for presidency in 2010 polls


Hindi natin masisisi si Noynoy kung magdesisyon siya na tumakbo sapagka't kung hindi naman siya tatakbo ay sasabihin ng marami na binigo niya ang taumbayan at gayundin ang kanyang mga magulang. Tila ba naging hostage si Noynoy ng paghahangad ng pagbabago. Mula sa pagiging tahimik na Senador ay siya na ngayon ay isa sa mga nagsasabing magsusulong ng pagbabago sa ating bansa.

Anung pagbabago ang isusulong ng isang Noynoy Aquino - Mar Roxas na tambalan?

Ito sana ay ang pagbabagong matagal na nating hinahangad. Pagbabago na hindi lamang pampulitikal kundi maging pangkultura. Isang pagbabago na tatagos sa kaisipan nating mga Filipino upang muli nating matuklasan ang ating kakayahan.

Sana ito ay isang pagbabago na magbibigay ng halaga sa mga tagapagtaguyod ng ating pambansang pag-unlad tulad ng ating mga imbentor, negosyante, magsasaka, Muslim, urban poor, kabataan, LGBT at iba pa.

Sana ay mailahad niya sa taumbayan ang plataporma at ang "blueprint" para sa pagbabagong hangad nating lahat. Higit sa mga engrandeng salita ay sana mayroon na ngang plano si Noynoy ukol dito kasama na ang Liberal Party.

Sabi nga ng kanta ng Asin na Pagbabago...

...Nag people power1 nagpeople power 2
Ang buhay natin di pa rin nagbabago
Nagpeople power 1 nagpeople power 2
Ngunit hindi pa rin tayo natututo...

...Kahit nag-Edsa III, kahit mag-Edsa IV
Ang buhay natin di pa rin magbabago
Kahit mag-People Power tayo ang talo
Hangga’t hindi tayo natututo...

Paano natin ito matututuhan ay depende sa atin at sana sa pagkakataong ito ay magkaisa tayo UPANG BUUIN ANG ATING BANSA!

Salamat po!


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: