Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Thursday, September 17, 2009

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan? and Nick Perlas' Candidacy

Alam ko po na may ilan na magsasabi na bias ang ating blog sa ilang komentaryo tungkol sa halalan sa 2010.  Sa pananaw kung sino ang pinaka kwalipikado at karapat-dapat ay personal po talaga akong naniniwala at nag eendorso ng kandidatura ni Nicanor "Nick" Perlas pero hindi po ibig sabihin nito na siya lamang po ang isusulat ko at puro papuri lamang po sa kanya.  Gaya po ng sinabi ko HINDI PO ANG ISANG KANDIDATO ANG SOLUSYON SA PROBLEMA NG BANSA KUNDI TAYONG LAHAT.

May mga artikulo rin po na kritikal sa ibang kandidato. Ang mga opinyon po dito ay sarili kong pananaw at batay na rin sa masusing pag-aaral ng mga plataporma ng iba't-ibang kandidato.

May mga nalalathala rin po ng ilang "scandal" na kinabibilangan ng ilang kumakandidato rin sa pagka-Pangulo. Ang mga ito po dahil wala tayong personal na kaalaman ay kinuquote po natin ang mga orihinal na artikulo at sinasabi na ito po ay hindi natin inilalagay dito bilang batayang katotohanan kundi bilang isang balita na pinadala at nakalap din po natin.

Malaya po kayong makakpagpahayag ng inyong opinyon sa blog na ito. Maging negative o positive po ay atin itong ipapakita. Naniniwala po ako ng ang malayang talakayan at diskusyon ng mga ideya at hangarin sa ating bansa ay pagpapakita ng tunay nating pakikilahok sa pagpapabuti ng ating lipunan.

Maraming salamat po!


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: