Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Sunday, September 27, 2009

"Pangmatagalang Solusyon at Kahandaan ang Kailangan" - Nicanor Perlas on Disaster Preparedness at the Wake of Bagyong Ondoy

PRESS STATEMENT
September 26,2009 On behalf of :Nicanor Perlas
Contact person: Cecilia Ferrer For immediate placement
6345058/09155336189


“Isa isantabi muna natin ang mga isyung pulitikal at madaliang kumilos upang tugunan ang kalamidad na umaapekto sa milyong Filipino dahil sa bagyong Ondoy. Dapat paigtingin pa ang kahandaang pangkalamidad at ang pagbibigay ng tulong sa ating mga kababayan sa harap ng lumalalang pagbabago ng ating klima.” Ito ang panawagan ni Nicanor Perlas, isang environmentalist na tatakbong Pangulo sa halalan 2010.

Simula nang nakaraang taon at bunga na rin ng mga pag-uusap sa buong mundo, nagbabala si Perlas ng hinggil sa paglala ng “Climate Change” o ang banta ng nagbabagong klima. Ang resulta nito ay mas malalakas na bagyo, mas mainit na panahon at pababago-bagong klima.



Nagmungkahi rin si Perlas ng mga hakbang upang mapalakas ang kahandaan ng pribado at pampublikong sektor para harapin ang mga ganitong sitwasyon.

Ilan sa kanyang mga mungkahi ay ang mga sumusunod:

· Palakasin ang sistemang pangkomunikasyon ng mga ahensyang tumututok sa kalamidad upang makayanan nitong tanggapin ang maramihang pagtawag sa panahon ng sakuna.

· Lumikha ng isang planong pangkomunikasyon na magbibigay ng napapanahon at “real-time” na ulat at kalagayan ukol sa nangyayaring sakuna at kalamidad.

· Pagibayuhin ang kahandaan ng mga komunidad upang labanan at harapin ang sakuna sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga kampanyang magtataas sa kanilang kaalaman at kahandaan. Kabilang na rito ang mga lugar kung saan pwede silang pumunta kung sakaling may pagbaha o iba pang uri ng kalamidad.

· Dagdagan ang mga sasakyang pandagat at tauhan ng cost guard na sasagot sa mga madaliang tulong sa harap ng kalamidad at sakuna lao na sa mga binabahang lugar.#

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

1 comments:

K-BAYAN said...

Bakit hindi magpatayo ang Gobyerno ng mga permanenteng pabahay sa lugar na ligtas sa ganitong sakuna, para sa mga nakatira sa paulit ulit na sinasalanta ng bagyo. Maaring kunin ng Gobyerno ang kanilang mga lupain, bilang pamalit sa prokeytong pamahay sa mga mamayan. At upang gawin nila ang lupa pra sa agrikultura o iba pang proyekto na makakatulong sa pagpapaunlad ng ating bansa.