Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Saturday, September 5, 2009

Sundalo na rin Pala ang MMDA ni Bayani Fernando

Hindi kaya lalong yumabang ang mga MMDA enforcers ngayon na reservist na sila? Isang Memorandum of Agreement ang nilagdaan nina Chairman Bayani Fernando at Sec. Gilbert Teodoro upang maging mga reservist ang nasa MMDA.

"This is to ensure that the AFP can carry out their national defense plans without any disruptions. Under the MOA, the MMDA will also help in strengthening the operations of the AFP by committing its manpower and assets to the Armed Forces during times of disaster, emergency and calamity."

Iyan nga ba ang layunin o may iba pang balak ang ating pamahalaan? Nakakatakot ito para sa akin sapagkat sa aking palagay ay hindi naman panahon ng digmaan. Kung hindi panahon ng digmaan ano ang pinaghahandaan ng Armed Forces sa Maynila? Nakakapagtaka di ba?

"In a Memorandum of Agreement (MOA) signed recently by Army Reserve commander Brig. Gen. Danilo Garcia — representing Chief Lt. Gen. Delfin Bangit — and MMDA Chairman Bayani Fernando, the MMDA is tasked to ensure the continuous and uninterrupted operations of water, light, transportation and communication for the AFP, especially in times of war and emergency."

During times of emergency? Hmmm.. kasama din ba dyan ang State of Emergency? Paano kung bago mag halalan sa 2010 ay magdeklara ng State of Emergency? Samakatwid may kapangyarihan ang MMDA at ang mga tauhan nito na tumulong sa mas matinding pagpapatupad ng batas.

Hindi na kailangan pang maging reservist ng MMDA sapagkat ang kanilang katungkulan ay malinaw na nakasaad sa kanilang ahensya. Kung iyon nga lang ay hirap na sila at marami pa ang dapat ayusin tapos isasabak pa sila sa ganito.

Hindi napapanahon ang MOA na ito at sa isang banda ay mapapaisip ang taumbayan kung para saan nga ba talaga ang nasabing MOA. Isip-isip...


BASAHIN ANG BUONG BALITA...


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: