Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Friday, September 4, 2009

Tunay na Pagbabago at Tunay na Tagapagpabago

"Tunay na Pagbabago at Tunay na Tagapagpabago," iyan ang palagi kong sinasabi sa mga nagtatanong sa akin kung iboboto ko ba si Noynoy Aquino kung tatakbo siya sa 2010. Para sa akin mahalagang suriing mabuti ang mga pangyayari at kung may kakayahan nga ba si Noynoy at nakahanda nga ba siya. Bago mamatay si Cory ay wala naman ni isang nagsasab na karapat-dapat si Noynoy at wala ring nagpapatakbo sa kanya para maging Pangulo. Nang mamatay si Cory at ibinuburol ay wala rin. Nagsimula ang lahat pagkalibing ni Cory at nang muling makita ang katakot-takot na dilaw sa kalsada... buhay muli ang yellow fever... at nag alimpuyo ang damdamin ng mga Filipino.

Ano ang simbulo ng pag-aalimpuyo? Si Noynoy nga ba ang sagot?

Wala akong karapatang sabihin kung siya nga ba ang sagot o kung sino ang tamang sagot sapagka't sasabihin ng ilan ay bias ako sa aking mga sinasabi. Pero ang totoo natatakot ako para kay Noynoy. Natatakot ako na baka sa bandang huli ay siya pa ang sisihin ng mga Filipino.

Kung mananalo si Noynoy baka ikumpara siya palagi sa kanyang mga inang sina Cory at Ninoy. Nag-aalala ako na baka pag wala siya masyadong nagawa ay sabihin niya na hindi naman talaga siya handa subalit ito ang ginusto natin. Natatakot ako na baka maging biktima lamang si Noynoy ng pagkakataon.

Kung talaga namang gusto natin ng pagbabago ay kakayanin natin ito sapagka't higit sa lahat nasa atin mismo ang susi ng pagbabago... subalit kailangan din natin ng isang pinuno na handa at alam ang kanyang gagawin pag naupo na siya bilang pangulo.

Nawa ay maging tama ang desisyon ni Noynoy at sana kung anuman ang maging desisyon niya ay tunay namakabuti para sa ating bayan.

Gusto ko ng makita ang ginhawa ng Pilipinas!



Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

5 comments:

makapili said...

bilang isang mamamahayag... masasabi kong hindi karapat dapat si noynoy... una ay dapa upang mamuno ka ng isang bansa, dapat matibay ang iyong paninindigan. Dapat malinaw sa iyo kung anu talaga ang iyong gusto. E hindi nga nya alam kung tatakbo ba xa talaga eh....tsk tsk... juan dela cruz... mag-isip-isip ka pa... kung ayaw mong matawag na "bobo"

www.ulongmaybayong.blogspot.com

makapili said...

bilang isang mamamahayag... masasabi kong hindi karapat dapat si noynoy... una ay dapa upang mamuno ka ng isang bansa, dapat matibay ang iyong paninindigan. Dapat malinaw sa iyo kung anu talaga ang iyong gusto. E hindi nga nya alam kung tatakbo ba xa talaga eh....tsk tsk... juan dela cruz... mag-isip-isip ka pa... kung ayaw mong matawag na "bobo"

www.ulongmaybayong.blogspot.com

maria said...

Kahit ako isang simpleng mamayan, pangarap ko rin ng maayos na Pilipinas. Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa. Alam ko mamumulat ang bayan at maninindigan para mailuklok ang taong nararapat.
Pero sa isyu na kung si Noynoy ba ang kasagutan? Ako, lakas-loob kong sasabihin na HINDI. Bakit? Ano ba ang nagawa nya nung mga panahong sya ay nasa Kongreso? Meron ba syang masasabing 'significant contribution' na maipagmamalaki? Wala naman. Nagkataon lang na sya ay isang AQUINO. Hindi natin pwedeng ipasan kay Noynoy kung ano ang nagawa ng kanyang magulang. Hindi natin pwedeng paniwalaan na pareho sya ni Cory at Ninoy. Ano ba ang kanyang naging paninindigan sa mga isyu na bumabalot sa buong bansa? Meron ba tayo narinig?
Kung ano man ang maging resulta ng eleksyon sa 2010, sana hindi tayo magsisi. Pagod na ako sa impeachment, coud d' etat, mutiny at rally.

David D'Angelo said...

Sana ay isipin natin na ang tunay na solusyon ay wala lamang sa KUNG SINO kundi nandun din sa KUNG ANO.

Arch. Lito L. Mallonga said...

Ito lang ang masasabi ko sa inyong lahat sa ating maga kapwa Pilipino sa ating bansa at sa ating magakababayan boung mundo na kailang magbago na tayong lahat. Karamihan sa ating maga politca ginagamit nila ang kanilang pamilya
upang ma halal sila at iyong maga iba naman diyan ginagamit din nila ang popularidad nila pero walang namang alam
sa dahilan darating din sa panahon na di na sila sikat at itong politika ang kanilang sandalan sa ikabubuhay nila.

Ano ba ang talagang nagawa nila sa ating mamamayan sa kanilang pag upo bilang mang babatas. Sa tingin ko WALA. Puro dakdakan sa Senado at Congress na paulit ulit lang naman ang maga issues at binabatinkos nila kapwa. Iyong iba diyan
na maganda ang layunin pero sa kadahilanan na di kapartido walang magawa. At itong pag palit nang Constitution to Parliament System. No matter what kind of Government we will have as long as our leaders are thinking for there personal gain it will always fail. That is the real thing and the bottom line is GREED. . GREED is all that matters to those corrupt leaders na tayong lahat na FILIPINOS that will always suffer.Kung di sa OFW at maga Pinoy sa Abroad nanappapadala nang pera diyan sa atin, Matagak nang bagsak ang economia nang Pilipinas. Kayat magising na tayong lahat.

Maalala ko pa nong nasa college ako nang imbitahan si yumaong Sen.Ninoy Aquino, tinanong ko siya, Senator kung ikaw ba mahalal bilang Presidente nang Pilipinas pakikingan mo ba ang maga proposal nang isang di mo kapartido. At sana pag ikaw ang Presidente magagawa mo bang ipag paliban ang pagbabatingos mo sa maga kalaban at ito'y iyong imbitahin na magsama sama tayong lahat para sa ikauunlad nang ating dsambayanang Pi;lipinas na mula pa noong mamatay ang umaong Pres. Ramon Magsaysay na ating minamahal lahat. Di ako sinagot nang diretsa sa aking tanong, At alam naman nang lahat na siya ay magaling magsalita pero di niya ako kayang baligtarin. So, I left thre conference hall at napatingion siya sa akin at tumayo ako at umalis at alam kong maraming estudiante ang nabulabog at namangha. Ito nangyari noong bago declara ang Martial Law at sa College of Architectutre Conference hall naganap sa UST. I AM VERY SORRY BUT NINOY IS NOT A HERO TO ME.

Marami pa kayong di nalalaman na dapat malaman nang lahat. Ito ay hindi pagsisira at ito ay katutuhanan na dapat ma isulat sa ating History nang Pilipinas at iba pa diyan tulad sa talagang nangyari sa EDSA REVOLUTION.

That is why I have decided to support Mr. Nick Perlas dahil sa kanyang maga programa na aayon sa aking gagawin sa Pilipinas.Siya lang ang Agriculture sa kanilang lahat at siya ang makapagbibigay nang maga daing nang maga magsasaka, maga mangigisda at sa lahat nang maga mangagawa at lalong lalo na sa maga mahihirap na na sa maga squatters na ginagamit nang karamihang politika. As I have said again and again. He might be at the bottom, but he will be way upfront come election day. Banderang tapos iyan.