Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Thursday, October 22, 2009

Ang Bayani ng Pilipinas: Efren Panaflorida: Iboto sa CNN Heroes

Isang simpleng pangarap ng pagtulong sa mga kabataan at isang samahan na naglalayong mailayo ang mga kabataan sa mga gang, sa karahasan at sa droga... iyan ang Dynamic Teen Company at iyan si Efren Penaflorida.

Sa harap ng napakaraming anomalya ng nasa pamahalaan at sa kabi-kabilang katiwalian may mga taong patuloy na naglilingkod ng tapat may sweldo man o wala... madali man o mahirap.

Si Efren ang kauna-unahang Filipino na nakasama sa pandaigdigang paghahanap ng mga bayani... ang CNN Heroes. Ang kanyang "kariton klasrum" o "pushcart classes" na naghaharid ng edukasyon sa mga mahihirap na lugar at ng mga munting paaralan sa mga tambakan, sementeryo, lumang jeepney at iba pa ang naging basehan upang siya ay maparama sa Top Ten ng 2009 CNN Heroes.

Noon ay isa siya sa mga binibiktima ng mga gang sa cavite pero sa tulong ng isang "Bible study group" ang Club 8586 ay napalitan ng pag-asa at pagmamahal ang kanyang damdaming galit at nais sanang maghiganti.

Noong 1997 sa edad na 16 ay itinatag niya ang Dynamic Teen Company (DTC) at 12 taon ang nakaraan ang samahang ito ay may 10,000 miyembro at karamihan dito ay mga kabataang mahihirap at nabigyan mismo niya ng pag-asa.

Bilang kapwa Filipino at bilang ehemplo ng tunay na paglilingkod ay atin pong SUPORTAHAN AT IBOTO SI KUYA EFREN SA 2009 CNN HEROES.

Ang mga taong tulad niya ang dapat na maging ehemplo nating lahat.

Mabuhay ka Efren Penaflorida!

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: