Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Sunday, October 25, 2009

Ang Mga Nabubulok na Relief Goods sa DSWD Ayon Kay Ella


Noong mga nakaraang araw ay tila bumulaga sa lahat ang isang simpleng blog post ni Ella na nagsisiwalat ng mga nakatenga, nakatiwawangwang at hindi gumagalaw na mga relief goods sa warehouse ng DSWD.  Marami ang sumuporta at marami rin naman ang nagalit sa kanya at tinawaran ang kanyang kredibilidad.  Sa aking karanasan bilang isang blogger ng magsulat ako ukol sa Maharlika: Dakilang Lahi ay matindi rin ang mga komentong aking natanggap.  Sabi nga nila masakit tanggapin ang katotohanan.

Pero hindi lang ito ang masakit na katotohanan sapagkat bukod dyan ay andyan pa ang mga noodles at tarp ni Manny Villar, andyan ang mga pulitikong ayaw magdala ng relief goods kapag walang photo op sa media at marami pang iba.  Subalit sa kabila nito mas marami pa naman ang nagnanais na tumulong at mas marami ang gumagawa ng mabuti kaya hindi dapat tayo magtuon ng buong atensyon sa mga nagsasamantala.

Ano pa ba ang bago sa gobyerno natin?  Makupad, mabagal at napakatagal bago kumilos... iyan ang tatak ng ating gobyerno.  Tila hindi naaalarma sa mga nangyyayari.  Noong bagyong Ondoy sabi handa na raw pero bago nabigyan ng tulong ang mga nastranded at nasa bingit ng kamatayan ay daang taon ang binilang pagkatapos ay gusto pang tumakbo bilang pangulo sa 2010.  Nakakatawa hindi ba?

Sa pagkakataong ito nais kong bigyan din ng mas magandang paliwanag ang mga nakuhanan ng picture ni Ella sa warehouse sapagkat ako mismo ay hindi sumasangayon na ubusin lahat ang relief goods sa pagkakataong ito sapagkat kung ang iba naman ay non-persihable at sobra-sobra ay dapat mag-imbak para sa mga maaaring sakuna na dumating pa.

Dapat unahin na ilabas ang mga perishable goods at ipamahagi agad, dapat din na ibigay kagad ang mga pinakamahalagang pangangailangan tulad ng kumot, unan, damit at iba pa.  Ang mga laruan ay para naman sa mga bata upang sa kanilang murang edad ay hindi sila masyadong matrauma sa mga nangyari.


walang tao 2
“Not a creature was moving, not even a mouse.”
walang tao
Parang haunted warehouse ang dating. May multo na yata.
pots and pans
Kahit na daig pa ang tindahan sa Divisoria sa dami ng naka-stack na kaldero
kaldero pa ulit
At walang katapusang kaldero pa ulit
delata 2
Kahit halos natakpan na ang mga bintana sa dami ng mga kahon
coleman
Kahit umabot na hanggang kisame ang stack ng mga kahon

Isa pang dahilan kung bakit hindi maisama ang mga imported na relief sa local relief tapos ipapamahagi mo sa iisang lugar ng sabay?  Simple lamang... magkakainggitan yan.  Kapag yung isa local ang natanggap tapos yung isa imported ang natanggap sasabihin na hindi patas ang ginagawang pamamahagi at may pinapaboran.  Kaya nga ang ginagawa siguro ay huwag muna ipamahagi ang imported at puro local muna.

Ang solusyon:  Ibigay sa mga mas nasalanata ang "higher quality" ng relief goods tulad ng camp beds at iba pa.  Pero sana ay mabigyan talaga ang lahat at maipamahagi.  Ang mas mahalaga naman dito ay hindi ang pamamahagi lamang ng relief goods kundi ano ang gagawin upang maiwasan sa susunod ang mga ganitong sakuna.

Dapat madaliin na ang pagbili ng Doppler Radar na matagal nang hinihingi ng PAGASA pero naipit sa redtape ng ating pamahalaan.  Iyan nga ang dahilan kahit paulit-ulit akong tinatanong at tila inaasa sa sinusuportahan kong kandidato sa 2010 ay hindi ako sumusuko sapagkat alam ko na tama ang ginagawa ko.  Wala ni isa sa ibang kandidato ang may plano na tulad niya.

Bakit nga ba walang nagvovolunteer sa DSWD?  Takot ba sila na makita ang mga imported goods na gusto nilang sila ang makinabang?  Hindi natin alam pero kung volunteer din lang marami ang gustong magvolunteer kaya hindin rason ang walang volunteer.

Kay Ella saludo ako sa iyo kabayan sa iyong tapang at paninindigan.  At gaya ng panawagan ni Ella ako man po ay sumusuporta at nananawagan...

For those who have the time, please try to volunteer sa DSWD warehouses.


Magtulungan po tayo at humikayat ng tao para tumulong sa ating pamahalaan. Mas maganda rin po na huwag din tayong paapekto sa mga ganito pero atin din namang bigyang aksyon ang mga pagsasamantala at parusahan ang mga mapagsamantala. Tama na sa mga kalokohang ganyan nakakahiya na kayo eh. Obvious naman ang modus operandi ninyo dyan... kaya kumilos na kayo at ipamahagi yan!


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: