Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, October 26, 2009

Ang Pagwasak sa Homonhon at sa Ating Bansa


Nagtatanong si Tata Ladying kung bakit linagyan ng Cambayas Mining Corporation / Peng Cheng ng " No Trespassing" sign ang lupang sinasaka ng kanilang pamilya.


Habang papalapit ang halalan at pagkatapos mangyari ng mga sakuna na mula sa bagyong Ondoy at Pepeng ay tila hindi natututo ang ating pamahalaan. Kamakailan lang ay isang bago na namang pagmimina ang inaprubahan ni Kalihim Lito Atienza. Hindi lang iyan ayon sa isang source ay may 2,000,000 ektarya ng lupa ang inilaan na para sa Tsina at ang iba naman ay sa iba pang bansa. Tila ito yata ang dahilan kung bakit gustong gawing 100% ang kakayahan ng mga dayuhang mag may-ari ng lupa.

Isang halimbawa sa walang katapusang pandarambong sa ating likas na yaman at bansa ang nangyayari ngayon sa Homonhon Island na kung saan walang habas na kinamkam ng isang mining company ang lupain ng mga magsasaka at iba pa upang minahin.

Sundan ang kanilang pakikipagsapalaran sa YouTube.

Dahil sa mga pangyayaring ito ay nanganganib na lumubog ang buong isla ng Homonhon. Pero hindi lamang Homonhon ang nanganganib sapagkat ganyan din ang sitwasyon sa Rombolon, sa Mindoro at sa marami pang lugar sa ating bansa.

Walang pakialam sa kalikasan at sa kapaligiran at walang pakialam sa maaaring mawasak na kinabukasan ng napakaraming tao.


Taskforce Homonhon live interview at One morning


Nananawagan po ako at sana ay suportahan natin ang panawagan upang magkaroon ng moratorium sa pagmimina at tigilan na ang pagbebenta sa ating bansa. Tama na! Tigilan nyo na! Kawawa naman ang mga susunod na henerasyon!

ANG KAKAPAL NINYO! MGA HERODES KAYO! MGA TAKSIL SA BAYANG PILIPINAS!

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: