Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, October 5, 2009

At Nang Maadik si Juan at ang Pinoy sa Facebook


Tila isang tsunaming dumaan ang pagiging panatiko ng mga pinoy sa Facebook.  Ang Facebook na dati naman ay hindi pinapansin ng mga pinoy dahil mas gusto nila ang Friendster at mahirap daw intindihin ang Facebook.  Subalit nang ilatag na nang Facebook ang mga "social interactive programs" nito gaya ng causes, fan profile at games laksa-laksang pinoy ang lumipat mula Friendster at naiwan na lang sa kangkungan ang dating numero unong social networking sites.

Matatandaang noong Bagyong Ondoy at noong kamatayan ni Cory Aquino ay ang Facebook ang pinaka naging aktibo upang maparating ang mga panawagan, hinaing, tulong, mensahe at marami pang iba.  Sinakop na nga ba ng Facebook ang ating oras at adik na nga ba tayo dito?

San ka nga ba naman makakakita ng isang social networking site na nagpapahalaga sa mga adbokasiya o ang tinatawag na causes.  Dito puwede kang gumawa ng kahit na anong kampanya na nais mong gawin.  Mula sa kampanya para sa isang napipisil mong kandidato, kampanya laban sa paninigarilyo,o pagsuporta sa Anti-Child Pornography Bill at marami pang iba.

Marami ring mga fan profiles at pwede mong ipakita na tagasuporta ka ni Bob Ong, o di kaya ng Millenium Development Goals, o ng National Bookstore, o MTV, ng Wonder Girls at ng kanilang kantang No Body at marami pang iba.

Pero alam na siguro nating lahat na hindi dyan nagtatagal ang ating mga kababayang Pinoy at kasama na rin ang inyong lingkod sapagkat ang pinaka highlight ng Facebook ay ang mga laro nito na interactive at pwede mong makasama ang iyong mga kabigan.

Ilan sa mga ito ang mga sumusunod:

1.  Farm Town - magmamay-ari ka ng isang farm na papalakihin mo at tataniman.  Aani ka ng sari-saring prutas.  Isa kang tunay na haciendero.

2.  Barn Buddy - parang farm town pero dito naman ay mayroon kang isang plot na tataniman mo ng iba't-ibang halaman.  Pwede ka ring magnakaw ng tanim ng iba mag-ingat nga lang sa mga kaibigang may alagang aso.

3.  Restaurant City - pagkakataon mo namang makipagpagalingan sa pagpapatakbo ng isang virtual restaurant.  Likhain ang desenyo ng iyong restaurant mula sa exterior design hanggang sa interior design.  Buuin ang mga sangkap ng mga pagkain na iyong ihahain sa mga kaibigan mong kakain sa iyong restaurant.

4.  Rock Legends - para sa mga mahilig nama sa pagbabanda eto na ang pagkakataon mong abutin ang kasikatan at makipagpagalingan sa iyong mga kaibigan at sa mga Facebook users sa buong mundo.

5.  Mafia Wars - isa kang big boss ng isang Mafia at para maging malakas ay kailangan mong mapasapi sa iyo ang mga kaibigan mo.  Magtulungan sa mga gawain at pagpapatatag sa inyong mafia.  Sakupin ang New York, Cuba at iba pang lugar.  Pwede ka ring magdeklara ng giyera sa iyong mga kaibigan.

Mayroon ding mga quizzes na kung saan marami kang puwedeng malaman tulad ng iyong zodiac sign, horoscope, araw at sanhi ng kamatayan, political inclination, hawig sa mga sikat na artista at marami pang iba.

Sa pamamagitan rin ng Facebook ay puwede kang magshare ng mga larawan, kuwento, updates, mga sinulat mo sa iyong blog, mga events na kung saan pwede mong imbitahan ang iyong mga kaibigan at iba pa.

Tila yata nakuha na ng Facebook ang puso ng mga Filipino at ito na rin ang isa sa pinakamabilis na paraan ng komunikasyon sa internet na siguradong makakarating sa iyong mga kaibigan at mga kakilala.

Anu pang hinihintay ninyo add nyo na ako sa Facebook ha --> phil_lenin@yahoo.com

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: