Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, October 28, 2009

Clean Way is a Dirty Way: Ang Nakamamatay na Problema sa Cavite

Isang pabrika sa Cavite diumano ang nagdudulot ng sakit sa mga residente doon. Sa pabrikang ito raw dinadala ang tone toneladang "hospital waste" ng iba't-ibang ospital at sinusunog. Nakakasulasok na amoy at potensyal na nakamamatay na mga usok ang kinatatakutan ng mga residente. Anong pabrika ito? Alamin...

Nagwewelga na ang mga residente ng Maguyam, Silang Cavite laban sa pabrikang Clean Way na tila hindi malinis ang ginagawang trabaho. Ayon sa mga nagwewelga sumisingaw ang nakakasulasok na amoy mula sa pabrika at nagdadala ito ng sakit sa mga residente.

Ang Clean Way ay sinasabing tapunan ng mga hospital waste at marami na sa mga residente ng Maguyam ang naospital dahil dito. Marami na rin daw media ang nagpunta pero tila matibay ang kapit ng mga namamahala ng pabrika kaya hindi ito mapasara.

Tikom din ang mga bibig at pagkilos ng mga pulitiko at ultimong ang munisipyo raw ay hindi nagbibigay ng permit sa mga nagwewelgang residente. Sa mga susunod na araw ay ialng ekspert sa Unibersidad ng Pilipinas ang pupunta sa pabrika upang alamin ang problema at sana ay masolusyunan na.

Isang mapagkakatiwalaang source ang nagsabing isa sa maugong na dahilan sa tatag ng pabrika at lakas sa pamahalaan ay dahil raw pag-aari ito ni Congressman Mikee Arroyo.

Isang panawagan sa mga kinauukulan na sana ay mabigyan na ng solusyon ang problemang ito.

Base na rin sa mga nakarating sa ating masasabing isang walang habas sa pagyurak sa kalikasan at sa kapakanan ng tao ang nangyayaring ito. Kawawa naman at sana ay matulungan ang mga apektadong residente.

HOY GISING!

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: