Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Sunday, October 25, 2009

Isang Bukas na Liham Para sa Mga Filipino


32 taong gulang... yan ang edad ko ngayon. Marami na akong nasaksihan at marami na ring pinagdaanan. Ilang beses na rin akong bumagsak at bumangon. Ilang beses na rin akong nawalan ng pag-asa at sumuko pero muling lumaban at nakakita ng pag-asa. Hindi ko sinasabing ako ang pinakamagaling o ako ang pinakamay alam sa ating bansa pero ang hiling ko lamang ay sana basahin ninyo ang liham na ito at sana ay mapakinggan ninyo. Ako po ay isang Pilipino bagamat ang aking itsura ay hindi at ang aking dugo ay 10% lamang ang tunay na Pilipino. Mahalaga po ang nais kong ibahagi pero depende pa rin iyan sa iyo. Ito po ang aking Bukas na Liham Para sa Mga Filipino alang-alang sa Inang Bayan.

Hindi sa akin hiniling ng kahit sinuman na sulatin ito pero minarapat kong gawin ito bago pa mahuli ang lahat. Naniniwala kasi ako na ang buhay ay sadyang hindi natin hawak kaya dapat sa bawat araw ay tingnan natin ito bilang huling araw ng ating buhay.


May tatlo akong anak. Hiwalay ako sa aking asawa at magkakahiwalay din ang aking mga anak sa isa't-isa. Simula pagkabata ay maraming sakripisyo at katotohanan ang aking pinagdaanan at nalaman. Dahil isa akong ulila ay sa aking paglaki parang ang Pilipinas ang aking tinuring na magulang... nangarap at nag adhika para makatulong sa ating bayan.

Sa taong 2010 ay sinabi ko sa aking sarili ito na siguro ang huli kong pagbuhos ng panahon at pag-asa para mangarap para sa ating bayan. Sino nga ba naman ako? Maraming utang... isang simpleng mamamayan... ni hindi nga ako CPA Board Passer, pero naisip ko ilan ba ang katulad ko at ilan ba ang mga Filipinong mas aba pa kesa sa akin na umaasa na gaganda ang Pilipinas at may mga pagbabagong magaganap.

Sa dalawang nagdaang eleksyon sumama ako kay Raul Roco, nangarap at nanindigan upang hindi ipanakaw ang bukas subalit nanakaw pa rin ang eleksyon at nanakaw ang tila pag-asang sumisilay sa ating bansa.

Ngayong taong ito tila wala na akong nais suportahan dahil pare-pareho naman sila. Nang magpahiwatig si Among Ed ng kanyang pagnanais baguhin ang sistema ng ating bansa ay nabuhayan ako ng loob pero tila may kulang pa rin hanggang sa isang araw nakilala ko ang isang tao na nagbigay sa akin ng panibagong pagasa at lakas ng loob upang mangarap at maniwalang aangat muli ang ating bansa.

Simple, walang yabang, makabayan, matapat at mapagmalasakit iyan ang nakita ko sa kanya. Hindi sya gahaman at lalong hindi corrupt. Sa loob ng napakatagal na panahon ay naglingkod sya sa likod ng kasimplehan at hindi naghangad na bawat kilos ay maipagmalaki sa lahat at sa media. Pero dahil tulad ko ay tila naramdaman niya na wala na yatang patutunguhan ang ating bansa ay nagdesisyon siya sa kabila ng mga katotohanan... nagdesisyon siyang ialay ang kanyang sarili para sa bayan... para paglingkuran tayong lahat bilang Pangulo sa 2010.

Hindi ko po kamag-anak at lalong hindi ko rin siya kilala noon. Ang unang tanong kung nga ng malaman ko na tatakbo siya para sa pagka-Pangulo ay, "Sino si Nicanor Perlas para maging Pangulo?". Pero sa halip po na magtanong nang paulit-ulit na ganoon ay kinilala ko siya at inalam kung bakit at ano ang nagtulak sa kanya. At doon nalaman ko ang dahilan at nalaman ko na karapat-dapat siyang tumakbo at karapat-dapat natin siyang suportahan.



Nicanor Perlas- The Practical Visionary
http://www.youtube.com/watch?v=G7YrvZ9UClc


Para sa akin hindi ko siya sinuportahan para sa pansariling dahilan kundi para sa akinabukasan ng aking mga anak at ng mga anak nila at ng mag susunod pa. Tumindig ako para kay Nick Perlas para sa susunod na henerasyon at sa kinabukasan ng ating bansa.


Marami na ang nangako... marami nang panahon na pare-pareho tayong umasa pero puro panloloko at panggagago lamang ang ginawa nila sa atin. Winasak ang ating kalikasan... minina ang napakaraming lugar upang magkapera... nagnakaw sa kaban ng bayan... naglibot kung saan-saan... nandaya... binayaran ang iba at kung anu-ano pa.

Papayag ka ba na magpatuloy ito? Papayag ka ba na ito na lang ang kahantungan ng ating bansa? Ganito na lang ba tayo?

Kaibigan, huwag naman sana... inaanyayahan kita upang kilalanin si Nicanor "Nicky" Perlas. Sino nga ba ang taong ito? At bakit tulad ko ay may mga Muslin, Krisyiyano, Tsuper, Security Guard, Katulong, Magsasaka, Matanda, Kabataan, Artist at iba pa na tumitindig din kasama niya.

Narito ang PLATAPORMA NI NICK PERLAS at ng PARTIDO NG MARANGAL NA SAMABAYANAN (PANGMASA)... mahaba pero puno ng laman... mga laman na siyang kinakailangan ng ating bansa at ng ating bayan.

Bilang isang tunay na Pilipino ay naki akong KaPERLAS sapagakta tayong lahat ay perlas ng bayang ito at karapatan natin na pamunuan ng isang karapat-dapat na lider.

Maraming Salamat Po sa inyong panahon!

Nagmamahal,

David D'Angelo
isang simpleng Pinoy

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

9 comments:

Lionel Moreno said...

Sir:
My personal opinion regarding Mr Perlas Candidacy.
Dapat po planohin muna ito ng husto at dapat makilala sya ng husto
ng mga taom bayan na boboto sa kanya,and it has to start in a grass roots level kasi po kahit na gaano kaganda ng adhikain o intension ni Mr Perlas na maglingkod sa bayan kung hindi naman sya kilala maging walang saysay din ang kanyang pag takbo,at baka ma relegate pa sya as just a noisy candidate,i for one longed for a very honest person to be called our leader,an honest leader,at baka nga si Mr Perlas yun,pero on strategy standpoint,we are talking about him going against a well oiled and moneyed political big dogs,

I do believe in the story of david against goliath. in which of course david won that fight,and i will always side with the underdog,pero kung bigyan nyo po sana ng mahabang pag plano pa itong pag takbo ni Mr Perlas and at the same time gather as much fund as possible and him being visible to the public eye,and be known for his good intention and deeds, mas maganda, 6 years is what it takes to accomplish all that,and there has to be a master plan, anim na taong lang po para makilala din ng husto ang pagkatao ni Mr Perlas as the future leader of the republic,by running now without a very thourough planning, logistics, plus him being considered a nobody to some is a lossing gamble, i am writing this in response dahil we have the same goals in mind for our people if you have time to visit my website please do and fell free to join our group also at www.baryopilipino. org

opinion ko lang po yan,
salamat po

Lionel Moreno
Founder Baryopilipino
"Lionel M" lionelleyte@yahoo.ca

David D'Angelo said...

Actually Nick Perlas is not a nobody. He had been co-author of the Philippine Agenda 21 which was the blueprint for a sustainable Philippines and was in fact used by President Fidel Ramos and was revived by PGMA through the advise of former Sen. Ralph Recto. He co-founded LifeBan Foundation which had helped thousands of farmers... he had stand to protect farmers and us from poisonous pesticides, he had even helped poor countries by leading a group of people into injecting pro-poor and pro-environment provisions in APEC.

We have waited for so long and time and time again we have the same reasons to stop and stall. We have to start some time and I think the time has began.. the fight is this time and we should all unite and fight the good fight. The moneyed politicians and political big dogs will always remain 6 years... 12 years... and even hundred years from now because they are profiting from this system and we have to change it not tomorrow but now.

Join us and let us spread the word not only about Nick Perlas but about new politics... about the importance of our culture about creating the future of our country by doing steps towards that and not by virtue of what had happened in the past.

Visit http://www.nicanorperlas.org and know more about him... sign up and join the yahoo groups as well and become part of the team.

I will not wait any longer for my kids and for my country which I loved so much... I might not be rich and might have tons of problems but I will fight the good fight and I hope that all of us can see this and join hands for our country.

Thanks and God bless always!

Nap Jacutin said...

yeah.. Nick Perlas is a good leader. Xavier University Ateneo de Cagayan- Manresa Farm is extending our support to him.

monster jimenez said...

nicanor perlas is making me think. that guy is a straight ass. also gibo.

Apol the Great said...

I'm impressed with this video about Nicanor Perlas. At least there's a Presidential wannabe who has got a clear program of action.

Now compare this video to Noynoys's Hindi Ka Nag-iisa MTV.

Nicanor Perlas' video shows his achievements and what he thinks the Philippines needs. But with Noynoy's video, all you can see are big stars supporting his candidacy. And Noynoy is supposedly the bearer of change? Wow.

For the Philippines 2010 Election, I am likely to vote for Nicanor Perlas.

Dang Sering said...

Who is Nicanor Perlas? He might be my choice for Philippine President in 2010. http://www.nicanor-perlas.com/

Irene A. said...

Nicanor Perlas has very good qualifications but he lacks exposure

Edgar Ilaga said...

At this rate, I might just end up supporting NIcanor Perlas for the 2010 Presidential elections. Now, where's that checklist of mine...

written_chi said...

if i am at the right age to vote, i'll vote for this dude. he just don't focus on economy or whatever that the typical presidentiables...promise. check out the his site. http://www.nicanor-perlas.com/ :D