Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Thursday, October 1, 2009

Isang Kuwento ng Kabayanihan at Bayanihan sa Gitna ng Bagyong Ondoy


Alam ko maraming kuwento ng kabayanihan ng mga taong nagbigay ng kanilang panahon, ambag at maging buhay para makatulong sa mga nasalanta ng Bagyong Ondoy pero sa pagkakataong ito nais kong ibahagi sa inyong lahat ang mga nangyari sa Montalban, Rizal na malapit sa dating Payatas kung saan naging kanlungan ang Papaya Academy.




Personal kong kakilala at nadama ang kabaitan ni Craig Burrows at alam ko rin ang kanyang lubos na pagmamalasakit sa ating mga mahihirap na kababayan. Sumasaludo po ako sa kanya at sa kanyang mga kasama na nag volunteer at nagbigay ng pagasa sa mga nasalanta ng Bagyong Ondoy.



Kabilang kayo sa mga tunay na nagmamalasakit sa ating mga kababayang Filipino. Hindi man kakilala ang karamihan pero hindi ito naging hadlang para tumulong sila sa mga taong ito. Kasama nila sa pagtulong ang Spring Board Foundation, Philippine Business Leaders Forum at marami pang iba.

Ang post po na ito ay alay ko sa kanila at sa lahat ng mga tumulong at patuloy na nagbibigay ng pag-asa sa ating lahat. Sa inyo KAMI AY SALUDO! MABUHAY KAYO!



Sa mga gusto pong tumulong NARITO PO ANG PANAWAGAN NILA...


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: