Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Thursday, October 15, 2009

Nagbabagong Klima: Ano ang Solusyon?

May solusyon nga ba sa banta ng Nagbabagong Klima o Climate Change? Kung meron ano at sino? Ngayong araw na ito ay "Blog Action Day on Climate Change" at higit pa sa napakaraming artikulo na susulatin ngayong araw na ito ay ang pagmumuni at paglalagom kung ano ang ating magagawa bilang isang indibidwal upang mabigyan ng pagpapahalaga ang ating kalikasan. Meron nga ba?

Pagkatapos ng Bagyong Ondoy at ng Bagyong Pepeng tila natauhan ang karamihan sa atin na inaabuso na natin ang kalikasan at eto nga siya at gumaganti na. Marami ang nagmumungkahi na panahon na upang protektahan at bigyan ng pansin ang kalikasan. Pero ang malaking tanong hanggang kailan? Mayroon bang patutunguhan ang mga nangyayaring ito?

Noong magkaroon ng landslide sa Leyte at sa Quezon Province tila nagising na tayo pero pagkatapos ng isang taon tila wala lang at bumalik na rin sa dati. Nang magkaroon ng malakas na bagyo noon at magliparan ang mga billboard sa EDSA tila nagising na tayo subalit nang tumagal ay nakalimutan rin naman natin. Ngayon... ganun din ba ang mangyayari ulit?

Sino nga ba ang dapat unang kumilos upang matigil na ang walang habas na pagpuputol ng puno, ang walang habas na pagpapalit-gamit ng mga agrikultural na lupa at nagiging mga subdivision, ang walang habas na pagtatapon ng basura sa mga ilog, ang walang habas na pagmimina at marami pang iba. Ang pamahalaan at tayong mga tao.

Kung may bayag nga lang ba ang pamahalaan upang tunay na protektahan ang kalikasan at kung alam nga lang nila kung ano ang tamang gagawin di sana ay mas makakaiwas tayo sa mga sakuna at ganti ng kalikasan. Kung sana tayo ay mas nagiging responsable at pinangangalagaan ang ating kalikasan at mga likas na yaman... hindi nagtatapon ng basta-basta... hindi winawalanghalaga ang kalikasan... hindi sana iba ang ating kalagayan ngayon.

Ano ang ating dapat gawin? Simple lamang una, baguhin natin ang ating pananawa at sa ating sariling kakayahan ay mas alagaan natin at mahalin ang ating kalikasan. Mag recycle na tayo... mas maging "green" minded na tayo at gumamit ng mga energy saving equipment... wag nang gumamit ng plastic at marami pang iba...

At sa 2010... baguhin natin ang ating mga pinuno. Piliin natin ang mga pinunong tunay na may malasakit sa kalikasan. Ito na ang pagkakataon natin. NAsa atin ang kapangyarihan at kakayahan... sa 2010 simulan natin sa pagka Pangulo. Sino nga ba sa kanila ang tunay na kakampi natin at ng kalikasan? Sino nga ba sa kanila ang magbibigay sa atin ng bagong Pilipinas na mapagmahal sa kalikasan, mag-aangat ng kulturang pambansa, at makikinig sa mga mamamayan... SINO?

Tayo ang magpapasya at sana tama ang ating maging pasya. Ako... ang alam ko lang ay PANAHON NA NG PERLAS NG SILANGAN!

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: