Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, October 12, 2009

Smartmatic's Indecent Proposal to Ellen Tordesillas?


Nabasa ko sa Facebook sharing ng kolumnistang si Ellen Tordesillas na di umano ay may indecent proposal sa kanya si Samira Saba ng Smartmatic.  Ang Smartmatic ang nanalo sa bidding ng election automation ngayong 2010.  Syempre isa itong kwento na dapat nating alamin kaya tiningnan ko ang blog post at binasa.  Indecent proposal nga ba o nag over react lamang si Ellen Tordesillas at naging defensive?

Nasa ibaba ang kopya ng sinasabing proposal kay Ellen Tordesillas na sa tingin ko ay mukha namang hindi indecent.  Una ay wala namang sinabi na sumulat siya ng pabor para sa Smartmatic ang inaalam lang sa kanya ay kung interesado ba syang magsulat ng ilang bagay na may kinalaman sa automation.  Hindi rin naman sya sinuhulan sapagka't sa tono ng sumulat ay nagtatanong lamang naman ito.

Hindi siya direktang binigyan ng presyo sa nasabing liham at lalong walang pamimilit o anumang bakas na may itinatago ang sumulat.  Para rin sa akin hindi na dapat siguro ito nilabas pa sapagkat tila ginagawa lamang kontrobersyal ang nasabing liham na kung tutuusin ay hindi naman dapat.

Wala rin namang masamang maging freelance writer hindi ba?  Wala rin namang masamang magtanong?  Mas masama siguro kung sinabi na magsulat ka lang ng positibo para sa amin at pabanguhin mo kami at bilang kapalit ay bibigyan ka namin ng bahagi sa ibabayad sa amin ng COMELEC.  Wala pong ganun.

Pero syempre baka naman nagkakamali ako kaya kayo na po ang humusga sa nasabing liham na nasa ibaba at mula naman sa blog ni Ellen Tordesilllas:

Dear Mrs. Ellen,

My name is Samira Saba and I work at Smartmatic as the Marketing and Communications Manager (www.smartmatic.com).

I have checked your blog and I find it quite interesting. I can see the articles published are responsible, and show that you as a rule strive to inform and educate your readers. For instance, the article “Rock the vote!”

I would like to know if you have the time and the interest of writing some articles regarding the following subjects:

1) Election automation worldwide, and positive experiences in various countries.

2) Election automation in the Philippines, past and present.

3) Different technologies to automate an election. Perspectives and comparisons: shortcomings, advantages, political implications.

4) Smartmatic technology in particular (in this case, we would of course furnish appropriate materials to the required depth).

If you are interested in adding our organization as a regular client for your freelance writer services, we can define the extent and number of articles you could write monthly. I will be glad to give you more details and answer the questions you may have.

If your answer to the above is positive, then I would appreciate a quotation for your services, with a target of two articles published per month to begin with.

I look forward to hearing from you the soonest.

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: