Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Friday, October 23, 2009

Suportahan ang Migrante Party List: Patakbuhin sila sa 2010 Elections

Sa mga nagdaang botohan hindi ako bumoto sa Migrante pero naniniwala po ako na kung mayroon mang party list na tunay na nagtataguyod ng isang "marginalized sector" ito ay ang Migrante.  Sila ay walang sawang nagtatanggol sa karapatan ng ating mga kababayang nasa ibang bansa laban sa pang-aabuso ng mga dayuhan at gayundin maging ng ating sariling pamahalaan.  Walang karapatan ang COMELEC na tanggalin ang Migrante sa listahan ng mga kwalipikadong party list.  Kaya dapat silang maibalik!

Bukod sa Migrante 25 na iba pa ang tinanggal ng COMELEC.  Ang lahat ng nadelist na party list ay binigyan ng 15 araw para magsumite ng "motion for reconsideration."  Isa sa nakikitang dahilan ay ang kabiguan ng mga ito na makakuha ng 2% na boto sa nagdaang dalawang halalan.

Hanggang ngayon ay marami rin namang party list group na wala namang sektor talaga na sinusuportahan pero ito ay pinopondohan pa rin ng gobyerno at sinusuportahan sapagkat para silang mga asong sumusunod sa mga utos ng pamahalaan.  Kagaya na lang ng Bantay, Kasangga at marami pang iba.

Inaanyayahan ko po kayo na makiisa at sumama sa pagsuporta sa MIGRANTE... "Let our voices be heard! Allow MIGRANTE PARTYLIST to run in the 2010 Elections!"

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: