Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Sunday, October 18, 2009

Wow Hayop Comics: Ang Komiks na Astig!

Nakakita na ba kayo ng "funny animal superheroes"? Kung hindi pa ay pagkakataon nyo na ngayon na makabasa at masubaybayan ang mga bidang hayop ng ating bansa. Kilalanin ang "Mighty Awesomes", si "Chicken Supreme" at si "Dark Brown Cow" sa kanilang pakikipaglaban para sa kapayapaan, katarungan at kalikasan sa Wow Hayop Comics.

Ang Wow Hayop Comics ay nasa pamamahala ni Atty. Lawrence Mijares, isang kapwa natin Pinoy na naghahangad maghatid sa ating lahat ng kasiyahan, katatawanan, kamulatan at pagkabuhay muli ng ating pagmamahal sa pinoy komiks.

Magaganda ang mga kuwento at tunay na kapupulutan ng aral. Halimbasa na lang ay ang "Mighty Awesomes" na kinabibilangan ng mga kilalang hayop sa Pilipinas na sa una nilang pakikipagsapalaran ay haharap sila sa hamon ng basura at dumi. Makakaya kaya nila ito?


Ang bawat komiks ay nagkakahalaga ng Php30.00 at ito ay colored naman. Isa po ang inyong lingkod sa nagtataguyod ng comics na ito at maaari po kayong makabili sa pamamagitan ng pag-email sa akin o pagtext/tawag sa 09165450452.

Ang bawat padala po ay may Php40.00 (NEXT DAY DELIVEY) o Php20.00 (REGULAR MAIL/POST)  na dagdag para sa shipping cost pero kung sampu (10) pataas ang inyong kukunin ay wala na pong bayad.

Puwede nyo po itong paarkilahan o ibenta din sa inyong mga suking tindahan o kaya ay sa inyong bookstore o establisimento.

Suportahan po natin ang pagbabalik ng mga magagaling na animal superheroes na magbibigay sa atin ng kasiyahan at pag-asa.

Maaari rin kayong bumisita sa SULIT.COM para kumuha o umorder ng comics na ito.

Narito ang ilan pang impormasyon ukol sa mga bida ng Wow Hayop Comics:
The Mighty Awesomes – Mula sa “MAY SAYAD Komix” narito ang pakikipagsapalaran ng kanilang major characters sa outer space, at ang pinagmulan ng bagong superhero group, ang: “Recycling Corp.” Magtagumpay kaya ang dalawang grupong ito sa harap ng nagbabadyang lagim na gugunaw sa Animal Planet Earth? Ngiiii..katakot.

Chicken Supreme – Mula naman sa “PC” [Puro Crisis] Komix, heto naman ang pinagmulan ng pinakadakila (at tsismosong) manok ng kalawakan. Saan galing si Chicken Supreme? Bakit may taglay siyang pambihirang kapangyarihan? Paano siya napunta sa Republic of Philippine Animals?

Dark Brown Cow – Galing nanaman sa “PC” Komix, siya ba’y kalaban o kakampi? Alamin ang pinagmulan ni Ambrosio “Bros” Baka, at ang mga pangyayari sa kanyang buhay na nagtulak sa kanyang isuot ang maskara’t, balatkayong kasuotan ni Dark Brown Cow. Kung mahilig kayo sa choco-mocca, hindi ninyo ito palalampasin

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: